JEAN's POVNasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Drake ng magring phone ko, agad ko ‘yon sinagot.
“Hello?”
“Belated happy birthday, Babe!.” ang boses na ‘to haha namiss ko.
“Oh my Zeke, I miss you so much!” unexpected na tatawagan niya ako ngayon, ang saya ko talaga.
“I miss you too, kita tayo later?”
“Saan tayo magkikita?” hindi pa rin mawala ang ngiti ko.
“Text ko address ng teahouse.”
“Sige sige HAHAHA, can‘t wait to see you mwa. See you later.” then I hang it up.
“Mukhang ang saya mo r‘yan ah.” ampt bakit parang bitter pagkakasabi niya, o baka feeling ko lang, haha baka nga siguro.
“Bumalik na siya, Drake.” nakangiting sabi ko.
“Ah si Zeke, ‘yong childhood friend mo na crush mo na nagpunta ng Australia.” bakit parang ang bitter niya talaga?
“Oum, siya nga HAHAHA. Ano na kayang itsura niya ngayon? Ang pogi na siguro niya.” bakit parang kinikilig ako?
“Mas pogi naman ako roon, tss.” padabog niyang naibaba ang hawak niyang kutsara sabay walk out. Anong problema niya, selos ba? Haha cute.
Uwi na kaya ako sa bahay namin? Kaso natatakot ako kay Daddy dahil nga roon sa pag-alis ko sa party ko. Huhu paano ba ‘to?
Sinundan ko si Drake at ayon, nandoon sa verandah parang ang lalim ng iniisip. Tumayo ako sa tabi niya, naramdaman kong nilingon niya ako kaya tiningnan ko siya.
“Parang ang lalim naman ng iniisip mo.” nababagabag talaga ako sa ikinikilos niya.
“Wala ‘to haha.”
Nagvibrate ang phone ko, and I received 1 message to Zeke.
“Aalis ka na ba?” tanong niya.
“U-uh hindi pa naman.” sagot ko. “Tsaka, ‘yong suot ko, hindi ako pwedeng makipagkita sa kaniya na ganito itsura ko.” dagdag ko.
“May paper bags doon sa kwarto, pinabili ko ‘yon kanina.” sabi niya. Pinabilhan niya ako ng damit?
“D-drake, hindi mo naman ‘yon kailangan gawin. B-bakit nag abala ka pa na pabilhan ako ng gamit?” Bakit ba ako nauutal?
“Psh, hindi pwedeng ‘yan nalang ang sootin mo habang nandito ka sa puder ko.” he pat my head. “Sige na, baka naghihintay na siya sa‘yo.” he smiled. ‘Yong ngiti niya, kakaiba. Parang ang lungkot.
Naglakad na ako papunta sa kwarto niya, agad ko rin naman nakita yung mga paper bags.
“Geez, bakit ang dami? Hindi ko naman kailangan ang ganito karami.”
Pumili nalang ako ng sosootin, tsaka naligo na at nagready for meet up with Zeke. Just a simple high waisted pants and a yellow tube croptop and partnering a white sneaker. Kaunting liptint at polbo lang then gora na ako.
Lumabas na ako ng kwarto, at naabutan ko si Drake na nanonood ng tv.
“Aalis na ako.” sabi ko.
“Oh.” sabay abot ng credit card.
“Hindi na kailangan.”
“Tss, you need this. Wala kang pera o kahit ano kaya kunin mo nalang. Then here‘s my car key, gamitin mo ‘yong kotse ko para hindi kana magtaxi.”