ᏨᎻᎯᏢᎿᎬᏒ 4

9 0 0
                                    

nakauwi na ako ng bahay, hanggang ngayon di ko pa din ma alis sa isip ko ang nangyari, bago palang ako sa university at ito na agad ang nangyari.

ilang oras akong nakatulala iniisip kung anong gagawin ko at kung may mukha pa ba akong ihaharap bukas. napa tampal ako sa noo ko "anong ginawa mo Akeisha..." napa buntong hininga nalang ako, lumabas na ako ng kwarto dahil naka ramdam na ako nang gutom

bumungad sakin ang ate ko, halatang pagod na pagod ito galing sa trabaho.

"ang sakit ng likod ko" pag daing nito, hindi ko naman maiwasang maawa saking kapatid, tumayo ako at pinuntahan si ate upang masahiin,

kahit papano man lang ay maibsan ko ang kanyang dinaramdam.

habang minamasahe ko siya, biglang tumulo ang aking mga luha..

"ate.." pag tawag ko, agad naman itong sumagot "ano? kumain ka na ba? nagugutom ka ba?" sunod sunod nitong tanong,

paano ko sasabihin sakanya?

"hindi ate, k-kas---" bago ko naman matapos ang aking sasabihin ay nag salita ito "kunin mo bag ko, kuha ka don ng pera bumili ka ng pagkain sa convenience store dali" pinunasan ko na agad ang aking mga luhang kanina pa patak nang patak.

agad naman akong nag tungo sa kwarto para hanapin ang bag ni ate,

"ateee! saan dito!" sigaw ko,

"nasa drawer ko ata"

nang nakita ko na ang wallet, lumabas na ako at pumunta na kaagad sa convenience store.

hanggang ngayon, iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina, hindi maalis sakin ang sinabi ni Shoji.

bakit naman nya kailangan itago identity nya? ano bang meron?

anong meron kay Priam?

natigilan ako sa pag lalakad ko ng mapansin kung may nag aaway sa gilid ng kalsada, mag papatuloy na sana ako sa pag lalakad nang may pamilyar na mukha akong nakita,

Priam?

bugbog sirado ito at pinag tutulungan, dali dali naman akong tumawag kay ate para humingi ng tulong "ate...." I uttered,

"ano pauwi kana b---"

"ateee!!! tulong!!! please mag papunta ka dito ng mga tanod please!!!" sunod sunod kung sabi, hindi ko mapigilang mag panic,

"asan kaba?" alang alala nyang sabi, agad ko naman binigay sakanya ang lokasyon.

anong gagawin ko?
ayoko madamay!
ayoko talaga!

"hoy mga gago tama na 'yan!!" I shouted furiously, I instantly caught their attention at akmang pupuntahan na sana nila ako natigilan sila dahil agad ko silang pinagbabato para hindi sila makalapit sakin.

buti nalang ay dumating na agad mga tanod at hinuli sila, "Akeishaa...." napalingon ako sa ate ko na kumaripas ng takbo papunta sakin, alang alala ito.

hinila nya ako papalapit sakanya at niyakap, "I'm okay, ate." sabi ko,

si Priam...

tumakbo kaagad ako sa kinaruruonan ni Priam, naligo na ito sakanyang dugo agad namin siyang dinala sa ospital.

pag dating namin sa ospital ay isinugod na agad ito sa ICU, aalis na sana kami ni ate. "miss, kaano ano po kayo ng patient?" she asked, nag dadalawang isip pa nga ako kung anong isasagot ko.

"kaibigan, kaklase?" nag aalangngang tugon ko. napa kamot nalang ako saking noo, and before I could even utter another word, dumating na ang doctor ni Priam.

"madaming dugo ang nawala sakanya, the patient needs immediate blood donor" saad nito, nag ka tinginan naman kami ni ate.

"wala ba kayong kilalang family member nya?" umiling-iling ako dahil hindi ko naman kilala ang magulang o kapatid ni Priam.

"he needs immediate blood donor, pag di siya nasalinan ng dugo mamamatay siya" saad ni doc, hinila ako ni ate papalabas ng ospital.

"ano mag d-donate ka!? nasisiraan kana ba ng bait Akeisha!" bulyaw nito, halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni ate.

"ate hindi mo ba narinig ang sabi ng doctor!? mamamatay si Priam pag di siya nasalinan ng dugo ate!" pangugumbinsi ko,

Hindi kakayanin ng konsensya ko pag may nangyari sakanya.

"hindi! Akeisha hindi! uuwi na tayo."

mas lalong hinigpitan ni ate ang pagkakahawak saking kamay, kinaladkad nya ako papasok sa taxi buti nalang ay pumiglas ako..

"Ate... hindi kakayanin ng konsensya ko ate, ayoko ulit maramdaman yung naramdaman ko dati, the guilt feeling I've borne through the years." pag mamakaawa ko, hindi ko mapigilang maiyak, tears immediately fell down on my cheeks.

"Akeisha... alam mo naman gaano kahina ang katawan mo, at mas lalong hindi ko kakayanin pag may mangyaring masama sayo" she said, tears fell down on her cheeks.

"Akeishaaa!" napalingon naman agad ako, nakita ko si Shoji, he was running towards my direction.

"Shoji! buti nandito ka kailangan ni Priam ng dugo" I said, napaupo naman ito saglit, he was panting.

"ano bang nangyari?why did he end up at the hospital?" sunod sunod n'yang tanong,

"I don't know"

bakit nga ba siya napadpad sa lugar namin?

"puntahan mo na si Priam, kailangan nya ng dugo kundi ikakamatay nya." dagdag ko pa,

pumasok na si Shoji sa hospital, susunod na sana ako ng pinigilan ako ni ate "Akeisha..."

tiningnan ko lamang siya at unti unti ko tinatanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"ate.. please" I pleaded,

sa huli wala namang nagawa si ate, pumasok na ako sa hospital, agad naman akong pumunta sa ICU.

"Akeisha hindi kami compatible ni Priam" sabi nya,

"ano ba blood type ni Priam?" I asked curiously,

"AB+" saad nya, buti nalang ang blood type ko ay A, kaya compatible kami.

"A ang blood type ko, compatible kami, willing ako mag donate ng dugo"

lumiwanag naman ang mukha ni Shoji,
nag pa check up agad ako kung pwede ba akong mag donate ng dugo, at thank God. PWEDE.

pinahiga ako sa isang folding bed, sa kabilang kama naman ay si Priam, wala pa din itong malay.

itinusok na sakin ang karayom hudyat na sasalinan ko na ng dugo si Priam,

natapos na ang pag d-donate, they told me to rest and to drink a lot of water.

"paano mo pala nalaman na nasa hospital si Priam?" tanong ko, naka tingin lamang si Shoji sa malayo, akala ko ay hindi nya ako narinig "my mom owns this hospital, tinawagan nya ako" halata sa kanyang boses ang pangungulila nya sa kanyang ina.

ka parehas kaya kami, nangungulila sa Ina at ama? hindi ko mapigilang ma curious sa pagkatao ni Priam at ni Shoji.

"Priam.. he's my brother" panimula nya, malayo pa din ang kanyang tingin.

Hindi naman ako nabigla sa sinabi ni Shoji dahil may resemblance naman talaga sila ni Priam.

"pero hindi nya alam, ayaw ipa alam sakanya ni daddy. dahil alam n'yang it'll break Priam's heart more" dagdag nya pa, tears fell down on Shoji's cheeks.

I was rendered speechless, I don't know what to say, kaya pala the way he cared for Priam is exceptional. because he was his brother.

TO BE CONTINUED.

- inkywhimsical ୧ ‧₊˚ ⋅ ☆

𝗦𝗛𝗔𝗧𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗜𝗟𝗟𝗨𝗦𝗜𝗢𝗡𝗦Where stories live. Discover now