2

3 0 0
                                    

Dahil magisa nanaman akong maglalakad, naisip kong magphone.

Kinuha ko ito tas nagopen ng fb.

Hanapin ko kaya yung fb nung Miztale?

Oo, para habang naglalakad ako.

Ano kayang first name non?

Kahit naman kasi nasa iisa kaming school, hindi ko naman sya nakikita.

Search...

Ano kaya?

Miztale

Walang nalabas.

Isa pa

Miztale

Ano ba kasing pangalan non.

Hays bahala na nga.

Hahanapin ko nalang sa school bukas malay mo magkaroon ako ng swerte di ba.

Syaka baka malaman din ni Raine yun lahat sila, si Raine na yun eh.

-------------------------------------------------------------

Inoff ko na ang phone ko para mabilis akong makapaglakad.

Malapit naman na ako sa bahay eh kaya tinakbo ko na.

"Ma dito na ako!" sigaw ko pagkapasok.

"Nak tara dito sa kusina nagluto akong miryenda" aya ni mama sakin.

"Palit lang po ako" ani ko bago umakyat sa kwarto ko.

Binaba ko na ang mga gamit ko sa kama tapos kumuha ng damit sa aparador.

Kumuha lang ako ng black na shirt tas white na shorts tas bumaba na ako ulit tas pumunta sa kusina.

Umupo ako sa upuan tas kumuha ng niluto ni mama.

Binuksan ko ulit ang phone ko.

*ding*

Friend Suggestion

People you may know

Jefferson Miztale

Add | Delete

HALA GAGO

Inopen ko yung account nya para makasure kung sya ba talaga yung Miztale na school mate ko.

AT TANGINA SYA NGA!!!

THANK YOU LORD!!!

Add ko ba to???

O wag.

Baka pag nakita nya ako sa school, mailang.

Pero di ba, take the risk or lose the chance.

Ito na yun oh

Binigay na ni Lord.

Add friend.

Friend request sent.

Edi kung di ako iaaccept, idedelete ko.

Ganun lang naman yon.

"Nak"

Tawag ni mama.

"Po?"

"May uupa na boarding house natin"
"Pamilya"
"Pumunta kanina, nagulat nga ako nagbayad agad eh"

"Wow kaya pala may meryenda ma ha"

May boarding house kami.

Suporta sa pang araw araw namin.

Syempre si papa lang naman ang nagtatrabaho dito sa pamilya namin kaya malaking tulong din pag may tao sa boarding house.

-------------------------------------------------------------

Dumaan ng mabilis ang oras at 6pm na agad.

May narinig kaming bumusina sa labas.

Yun yung mga lilipat.

Nakatruck yung mga gamit nila.

"Tao po! Nay Celya!" tawag ng isang babae, yung kasama nyang dalawang lalaki nasa likod ng truck, siguro kinukuha yung mga gamit.

"Oh Jana kayo na pala yan" sagot ni mama bago pumunta sa gate at binuksan.
"Nga pala Jana, si Aliyah, anak ko" pakilala sakin ni Mama kasi nakasilip ako.

"Hi Aliyah" bati sakin ni Ate Jana.

"Hello po" sagot ko tas pumasok na sa loob.

Kahiya naman no.

Bukas ko na sila kikilalanin.

Pagakyat ko sa kwarto, naririnig ko sila mama tas ate Jana na nagdidiskusyon sa baba.

Habang ako nagphophone lang sa kama.

Hindi parin ako inaaccept?

Baka di pa nagoopen.

Pero 3 hours na nakakalipas

Pero ok lang sya naman yon kaya okay lang.

Ano bang magagawa ko di ba????

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon