30

1 0 0
                                    

Pagbaba ko ng kwarto.

Nasa baba na si Jepoy

Ampota to talaga.

"Nak bilisan mo hinihintay ka na ni Jepoy oh"

"Morning Iyah"

"Alis na kami ma" paalam ko bago kumiss kay mama.

Sinenyasan ko si Jepoy na alis na kami.

Nagbye sya kay mama tas lumabas na kami.

"Bat naman ang aga mo ha" salita ko pag labas namin.

"Anong maaga alas syete na oh" sagot nito bago ako tinawanan.

Sinamaan ko lang sya ng tingin tas lumakad ng mabilis.

"Huy teka naman" habol nito sakin.

To prevent me from walking fast, kumapit sya sa braso ko.

Tangina yung puso ko parang luluwa sa bibig ko.

Hindi ko kasabay si Raine kasi nilalagnat, natuyuan ata ng pawis ang bruha kakagala.

Kaya kami lang ni Jepoy ang magkasama.

"San ka maglunch mamaya?" basag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Canteen, ikaw?"

"Ewan, wala si Raine eh"

"Sabay na tayo"

"Yaw"

"Sige na master, wala akong kasabay, wala ka ring kasabay kaya baka meant to be tayo"

"Pinagsasabi mong meant to be ha????" sagot ko bago sya kinurot.

"Aray naman, meant to be sabay maglunch kase" sagot nito habang hinahaplos yung braso nyang namula sa pagkakakurot ko.

"Ok sige na nga" sagot ko pagkapasok namin sa gate.

"Hatid kita sa room nyo"

"Bakit?"

"Eh dadaanan ko rin naman yon bago umabot sa room namin eh" sagot nya

"Konting ganyan mo pa iisipin ko na na crush mo ako eh" pabiro kong sagot.

"Sige konti pa"

Napatingin ako sa sagot nya

ANG LALAKING TO TALAGA OH!!

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon