48

0 0 0
                                    

Natapos ang araw ng masaya at magaan, kasi nakaamin na ako kay Jepoy, tapos parehas pa kami ng nararamdaman like???? di ba?????

Pag uwi ko sa bahay, hinanap ko agad si mama para sabihin yung nangyari kanina.

"Ma?"
"Ma! where are you?"

Asan ba si mama? wala naman sya kina aling Jen kasi dumaan naman ako ron eh.

"Ma?"
"MA!"

Naabutan ko si mama na nakahiga sa sahig ng kusina at walang malay.

"Ma! Tulong!!!!!"
"Ma gumising ka po"
"Ma!!! sigaw ko habang patuloy na ginagalaw si mama"

Tangina namang yan, tumayo ako at tumakbo sa bahay nila Jepoy.

"Jeff! Jeff tulong!" sigaw ko habang patuloy na kinakatok ang pinto nila.

"Jepoy please tulong"

"Iyah? bakit?"

"Si mama, si mama please tulungan mo ako"

"Ha?"

Sinundan ako ni Jepoy papunta sa bahay, di ako makapagsalita ng maayos para ipaliwanag ang mga nangyari, buti at naintindihan nya pa ako.

Payat na babae lang si mama at malaki naman ang katawan ni Jepoy.

Nabuhat nya si mama papunta sa terminal ng tricycle, ako naman nagmadaling nanguna ng pera at phone bago tumakbo pasunod kay Jeff.

Pinuwesto ni Jepoy si mama sa loob tapos umupo na ako sa tabi.

"Dito na ako sa likod ha, hawakan mo si tita"
"Kuya pakibilisan po emergency " rinig ko kay Jepoy sa likod.

"Ma papunta na po tayong hospital ha kapit lang po" salita ko habang nakayakap kay mama.

Mabilis din kaming nakarating sa ospital, binuhat ulit ni Jepoy si mama papasok sa emergency.

Agad namang inasikaso ng mga nurse si mama, hindi ko alam ang gagawin ko dahil iyak na ako ng iyak, si Jepoy naman ay nasa tabi ko lang.

Pagkitapos ng ilang minuto ay lumapit ang isang nurse sakin.

"Ano po kayo ng pasyente?" tanong nito

"Anak po ako"
" Kamusta po si mama?? "

"Over fatigue ang dahilan ng paghimatay ng pasyente, ayos naman na sya ngayon nagpapahinga, pwede mo na syang puntahan"

"Salamat po" sagot ko.

"Tara Jepoy" aya ko pagalis ng nurse para pumunta kay mama.

Tumayo naman sya agad at sumunod saakin.

Pagdating ko sa kwarto ay saktong gising na si mama, lumapit ako agad at niyakap sya.

"Aliyah anak"

"Ma kamusta po? may masakit po ba sayo?" tanong ko

" Wala naman na, pasensya na nak ha"

"Bakit ka nanghihingi ng pasensya ma? wala ka naman pong kasalanan, ang mahalaga okay ka na at gising"

" Sinong nagdala sakin dito? "

" Si Jepoy po" sagot ko sabay senyas kay Jepoy na nasa pinto para lumapit.

"Hi po tita kamusta po?"

"Ayos na ako nak, salamat ha"

"Wala po yun, importante po gising ka na ngayon"

"Magpahinga ka muna ma, dito lang kami sa upuan" tumango naman si mama at pumikit na muna, kami naman ni Jepoy umupo sa sofa sa gilid.

"Nagugutom ka ba?" bulong nito saakin.

Umiling lang ako, hindi ko kayang kumain lalo pa at nagaalala ako kay mama.

"Gusto mo muna matulog?"

Umiling ako ulit.

"Sandal ka saakin, wag mong masyadong isipin si tita, mahalaga gising sya, okay?"

Tinignan ko sya tapos tumango ng bahagya.

Sumenyas naman syang sumandal ako sakanya na syang ginawa ko naman umakbay sya saakin at isinandal ang ulo nya sa ulo ko.

"Thank you ha" mahinang salita ko.

"Wala yon"
"Magpahinga ka rin muna" salita nya habang dahan dahang hinahaplos ang buhok ko na syang naging dahilan para makatulog ako.

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon