45

1 0 0
                                    

Wala, kahit na naglelesson na sa harap yung teacher, walang napasok sa utak ko.

Mas iniisip ko pa yung sasabihin ni Jepoy kesa sa kung paano isolve tong lintek na math na to eh.

Pag ba namatay ako anong maiitulong nyan bwiset.

Buti nalang last period na to bago magrecess kasi wala talagang napasok sa utak ko.

Tangina talaga.

Pagkabell na pagkabell ng recess.

Tumayo ako agad para lumabas

Kailangan ko na malaman anong sasabihin ni Jepoy at baka ikamatay ko pa yon.

PWEDE NAMAN KASI SABIHIN NA NG MABILIS YUNG SASABIHIN NYA DI BA????????

Ano ba kasi yon hwhahdahhahaha ano ba yun Lord tulong help!!!

Paglabas ko, nasa pinto na sya, nakatayo, malamang alang alang nakaupo to sya wala namang upuan.

Walang ekspresyon sa muka nya, basta nakatingin lang

Nakakatakot naman!!!

"Ano?" tanong ko agad paglapit, di ko alam anong sasabihin ko.

"Uhm, pwede ba tayo magusap sa tayong dalawa lang, yung tahimik" pabulong halos na sagot nito.

"Saan? tara humanap tayo" sagot ko bago lumakad.

Sumunod naman sya agad saakin.

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon