46

0 0 0
                                    

Pumunta kami sa may likod ng building, may nagiisang bench dito na may lamesa, maaliwalas dito madalang lang yung students kasi nga nasa likod.

Di naman masyadong mainit kasi puro puno kaya umupo na kami.

"Ano ba kasing sasabihin mo ha??"

Di ko na talaga kaya kailangan ko malaman sasabihin nito.

"Teka lang naman"
"May lakad ka ba ha?" sagot nito na syang nagpatahimik sakin.
"Sorry, napepressure lang ako"
"Di ko alam paano ko sisimulan to"

Tinignan ko lang sya.

"Aalis na kami"

HA?

"Oh?"

Tangina gago hahwhshahahahaha

"Lilipat kami sa manila, kasi nakakuha ako ng scholarship sa ust, tapos kinukuha akong player don" seryosong sagot nito.

"Oh?"

Puta yan lang kaya kong isagot putanginang Oh na yan.

"Gusto ko yon, kaso Aliyah gusto rin kita"

shit.
SHIT
SHET!!!!!!!

"Ano naman?"

"Anong ano naman?"
"Di mo ba ako narinig?"

"Narinig kita, hindi ako bingi"
"Ang akin lang ano namang connect ko sa UST?"

Wag kang iiyak Aliyah puta ka wag kang oa

"Gusto ko malaman mo bago ako umalis, kasi ayokong magsisi na hindi ko binigyan ng pagkakataon yung sarili ko bago ako umalis"
"Ayokong pagsisihan lahat"

"Kailan ka ba aalis?"

"Matapos lang yung mid terms, aalis na ako"

"May almost a month pa pala eh"

Tinignan nya lang ako, tanginang mga mata yan oh.

"Edi, maging tayo, ayaw mong masayang yung chance di ba? edi gamitin na natin yung natitirang oras na nandito ka pa, sa harap ko"
"Gusto rin kita Jefferson"

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon