3

4 0 0
                                    

"Aliyah bumaba kana dito kakain na"

Tawag ni mama.

Nakaidlip pala ako, pagtingin ko sa phone ko 7 pm na.

Tumayo na agad ako tas nagsuklay bago bumaba.

Pag baba ko nagulat ako kasi andon si Ate Jana syaka yung dalawang lalaking kasama nya nasa hapag-kainan na.

Yung asawa siguro ni Ate jana to, yung nakaharap, tas yung isa nakatalikod parin, anak siguro nila to.

"Nak tara na dito, sabay sabay tayo kumain, pawelcome natin kina Jana"

Lumapit na ako.

Tapos.

"Nak si Kuya Jason mo, asawa ni Jana" pagpapakilala ni Mama, nginitian nya ako.

Muka naman syang mabait.

Tapos sumunod na pinakilala ni mama si

SI JEFFERSON??????????????????

PUTCHA????????????????

"Tas nak si Jepoy, anak nila"

Tumingin sya sakin.

Tapos ako nakatitig lang

Puta

Kaya pala di ako inaccept nito kasi naglilipat bahay.

HAHAHAHAHAHHAHA

"Iho, si Aliyah, anak ko"
"Aliyah, si Jepoy "

"Hi--hi" kabang bati ko

Ngumiti lang sya na parang pilit pa.

Tapos umupo na ako.

Nagkkwentuhan sila.

Tapos ako nakain lang.

"San ka nagaaral Iyah?" tanong ni ate Jana saakin.

Napatinag ako.

"Sa ano po"

Saan nga ULETTTTT

"Sa school po ni Jepoy"

TANGINA

"Ay wow"
"kaklase mo nak?" tanong ni Kuya Jason kay Jepoy.

Umiling sya.

Wala bang dila to?

At hindi nagsasalita.

"Anong grade kana ba Iyah?" tanong ni Ate Jana.

"Grade 10 palang po"

"Ah, kaya pala, grade 11 na kasi tong si Jepoy, kala ko magkaklase kayo"

"Hindi po" sagot ko bago ngumiti tas nagpatuloy sa pagkain

-------------------------------------------------------------

Pagkitapos kumain ay nagpaalam na sila para lumipat na sa boarding house.

Wala parin si papa kasi pano uuwi yun kung nasa barko nagtatrabaho.

HAHAHAHAHAHAHA.

Tinulungan ko si mama maglinis na kusina.

"Pogi yung si Jepoy no?" tanong ni mama saakin habang pinupunasan nya ang mesa.

"Ha ano ba ma"

"Bakit nak? Crush mo ba sya"

LUH SI MAMA.

"HALA MA ANO KA BA" bulyas ko

Tumawa lang sya

Tas sinimangutan ko sya.

"Umakyat ka na lang may pasok kapa"
"Ako na tatapos dito"

Kiniss ko si mama sa pisnge bago umakyat.

Naghilamos na ako tas umupo sa kama.

Tapos inopen ko phone ko.

Ay?

Di ako inaccept?

Di parin ba sya nagoopen?

O di nya ako nakilala.

Hayzzzz

Nu ba yan.

Minsan na nga lang magadd, di pa iaaccept.

Pero palag pa to madami pang araw.

HAHAHAHHAAHAHAH

Nagset lang ako ng alarm tapos nagsuklay

Ichachat ko muna pala si papa.

-------------------------------------------------------------


Roberto Reyes
active 5 hours ago

8:00 pm

Goodnight pa
i miss you po
loveu 💗

-------------------------------------------------------------

Pagkachat ko kay papa ay umayos na ako sa kama.

"Ma tulog na ako" sigaw ko, narinig naman ako ni mama kasi nag "Sige" sya.

Fixing usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon