Simula

49 16 6
                                    

Bilog na bilog at maliwanag ang buwan, masukid ang gubat na pinaliligiran ng mababangis na hayop, dito makikita ang isang dalagita na mabilis na tumatakbo habang hinahabol ang sariling hininga.

Matatayog ang mga punong kahoy dito, kaya naman hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa buwan para makita ng dalaga ang mga matutulis na sanga ng punong kahoy sa kanyang dinaraanan.

Sa sobrang bilis ng takbo nito hindi mo makikitang umaapak ang palad ng kanyang mga paa sa lupa, para itong paro-paro sa ganda at ang bilis naman nito ay maikukumpara sa isang lobo.

Mabilis itong lumingon sa kanyang likuran na dahilan upang hindi nya makita ang matulis na sanga ng kahoy na nakaharang sa kanyang dinaraanan.

"Shit!" mahinang mura nito at sandalinh huminto sa pagtakbo.

Napapikit na lamang sa hapdi at sakit dalaga bago kinuha ang kulay pulang panyo sa bulsa para talian ang sugat na ngayon ay may tumutulong dugo.

"Maamoy nila ako..." bulong nito at kinumpas ang mga palad sa hangin. At sa isang iglap ay nawala ang bakas ng kanyang dugo sa kahoy pati na rin ang amoy nito.

"Much better." nakangisinh bulong nito at nagpatuloy.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nababalot ngayon ng katahimikannang kahariang pinamumunuan ni Alejandro. Taas-noo itong  nakaupo sa trono, katabi ang kanyang bagong reyna.

Agad na nangunot ng noo ng hari ng makitang sunod-sunod at hinihingal na pumasok sa pintuan ng palasyo ang mga kawal, agad itong lumuhod sa harapan ng hari habang kapwa hinahabol ang sarili hininga.

"Nasaan sya?" kalmadong tanong ng hari sa mga ito.

Mabilis na umihip ang hangin, bumigat ang paghinga ng mga naroroon dahil sa kaba dahil anumang oras ay mayroong mangyayareng hindi maganda. Dalawang salita, isang tanong ngunit hindi malaman ng mga kawal ang kasagutan, dahil isang maling sagut ay kamatayan ang kaparusahan.

"Ipagpaumanhin mo aming mahal na hari ngunit, hindi natagpuan ng ating mga kawal ang Prinsesa." kahit nangangatog sa takot ay nakasagut pa rin ang isa sa mga ito.

"Hanapin nyu sya, madali kayo! bago magliwanag gusto kong bumalik kayo kasama na ang aking anak." mahihimigan sa boses ng hari ang galit ngunit mas pinili nitong maging kalmado dahil alam nitong walang saysay kapag nagalit pa ito.

Agad namang sinunod ng kawal ang hari at bumalik sa gubat at naghanap ulit sa Prinsesa.

.
.
.
.
.
.
.
.

Sa paglalakbay ng dalaga ay bigla itong napahinto ng may madaanan itong bahay kubo. Sa tingin nito ay bahay ng mga dwende sa labas ng kaharian ng kaniyang ama.

Sa dalawang libot siyam na raang at walo niyang paninirahan ay ngayon lamang siya nakakita ng bahay ng dwende.

"Is this the reason why the king didn't allow me to go out?" mapait na tanong nito sa kawalan

Dahan-dahang lumapit ang dalaga sa bahay saka kumatok ng tatlong beses, kasabay ng pangatlong katok ng dalaga ay nakaramdam ito ng pagod at animo'y anumang oras ay makakatulog.

Naging mabilis ang pangyayare kasabay ng pagbukas ng pinto ang tuluyang pagpikit ng kanyang mga mata.

"Mahal na mahal kita." ani ng binatilyo sa kanyang kasintahan habang mahigpit silang magkayakap sa isang hardin.

"Mahal din kita, mahal na mahal." buong pusong tugon ng dalaga sa kanyang kasintahan, agad na nagpangiti ang binatilyo sa sinabi ng dalaga dahilan upang mas humigpit ang yakap nila sa isat-isa.

Her Red Hoodie Where stories live. Discover now