Kabanata 4: Gubat

11 10 1
                                    

Pinaka ayuko sa lahat ay iyong naghahari-harian para lamang igalang ng mga nasasakupan. Hindi ko pa lubos na kabisado ang batas ng paaralang ito pero sapat na iyon para masabi kong hindi pantay-pantay ang kanilang pag trato.

Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi ni Rey na kailangan kong maging makapangyarehan para malaman ang katotohanan, ang buong akala ko'y sa pisikal na pakikipaglaban ngunit iba pala ang ibig nitong sabihin.

Malakas ang aking pakiramdam, kaninang nagbabasa ako ng mga patakaran ng paaralan ay may nabasa rin akong iilang artikulo tungkol sa mga estudyante rito, kasama na roon si Raven Sarcher. Ang binatang nasa aking harapan at hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwalang nakatingin saakin.

"At sino ka naman sa inaakala mo para utusan ako!?" napipikong sigaw nito.

"Hindi ka ba tinuruan ng paaralang ito kung paano salubungin ang bisita?" nanatili parin itong tahimik habang nakatingin saakin ng masama.

"Bilang isang bisita ikinalulugod kong turuan ka ng tamang patanggap ng bisita, una kailangan mong sundin ang gusto ko kaya ano pang tinatayo-tayo mo dyan? kunin mo na ang usang iyon at ibigay saakin." kunwareng naiinip na ani ko rito dahilan upang mas lalo itong mapikon.

"Isa kang hangal para kausapin ako ng ganyan!" sigaw nito at mabilis na sinugod ako at nagpakawala ng malalakas na suntok na agad ko namang nailagan. Agad na namula ang kanyang tainga dahil sa inis dahil naiwasan ko ang lahat ng kanyang pag-atake.

"Hindi ko gustong mapagod sa unang gabi ko rito sa Unibersidad na ito, kaya kung kaya mong pagbigyan ang kauna-unahang kahilingan ko'y hindi malalaman ng iyong ina ang ginawa mo kaninang umaga." agad na nanigas ang kanyang katawan sa pagkabigla saka ako tiningnan gamit ang nakaawang na labi at nanlalaking mga mata.

"Hindi ko alam kung sino at ano ka, kaya ngayon pagbibigyan kita." mahinahong ani nito saka nilingon ang usang nasa malayo.

"Kunin mo kung gusto mo." agad na sumilay ang isang ngisi saaking labi ng dahan-dahan itong nagbagong anyo hanggang sa nagi itong kulay abong lobo saka mabilis na umalis.

Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon saka dahan-dahang tinungo ang kinaroroonan ng usa.

Rayven Sarcher......

Isa sya sa mga malalakas na lobo sa unibersidad na ito ayun sa nabasa ko. Ngunit hindi ko lubos na maisip ang isang pilyong lobong katulad nya ay takot pinakamamahal nyang ina.

Dahan-dahan akong lumapit sa usa, agad itong tumingala ng makarinig ng huni ng mga uwak kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na na kinuha ang pagkakataong iyon para dakmain ito leeg. Walang tigil ito sa pag pu-pumiglas kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang hawak sakanyang leeg hanggang sa manghina ito at nawalan ng buhay.

Inilapit ko ang aking mga labi sa leeg nito hanggang sa maramdaman ang dahan-dahan pagbaon ng aking pangil sakanyang leeg hanggang sa malasahan ko ang sariwang dugo galing sa usa.

Napapikit ang sa sobrang sarap ng dugo nito, pakiramdam ko ito na ang pinakamasarap na nainom ko sa labing-walong taon konv pamunlmuhay.

Nang tuluyang mapatid ang aking pagka sabik sa dugo ay marahan ko itong binitawan. Nakapikit na napatingala dahil sa kasiyahan ngunit agad akong napataklob saaking mata ng masilaw sa liwanag ng buwan.

"Sino ka?" hinarap ko ang babaeng nagsalita, habang mabilis na pinunas ang natitirang dugo ng usa saaking pisnge. Nanlalaki ang aking nga mata sa gulat ng makita ang kanyang hinaharap. Agad akong napatingin saaking dibdib, napasimangot ako ng mapagtanto na tila kalahati lamang ang laki ng aking dibdib kumpara sakanya.

Her Red Hoodie Where stories live. Discover now