Chapter 6

9 6 2
                                    

"Go! Go! Go! Black Sha-dow!"

"Let's go! Let's go! Red Army!"

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laban ng Red Army at Black Shadow, kung hindi ko pa narinig yung mga sigaw ng mga nanonood ay hindi ko pa malalaman kung ano ang pangalan ng aming koponan.

Kakasimula pa lamang ng unang set ng laro, ngunit ang ihip ng hangin ay parang pang huling set na. Napaka seryuso ng laban, hindi mo aakalaing isang laro lamang ang nagaganap dahil sa bigat ng awra ng bawat isa.

Hindi naging sagabal ang pagkakuha ng unang puntos ng kabilang koponan-ang Red Army para panghinaan ng loob ang Black Shadow dahil agad din nila  itong nabawi.

Agad na napuno ng hiyawan ng mga naroroon ng mai-dig ng babaeng blonde ang buhok ang bola galing sa pag-serve ng Red Army. Agad na nahabol ni number 8—ang libero ng black shadow ang bola saka tinira para mai-set ng babaeng may number 10 na damit. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa at agad na nag spike ng malakas ang naka number 11 na damit para makakuha ng puntos.

Nagpalitan lamang ito ng mga tingin at mabagal na tumango sa isat-isa.

"Service Ace yan." narinig kong ani ni Symon habang nakatingin sa number 7 na mag s serve. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong kahit siya ay nakatutok din sa laro.

Pinag-aaralan kong mabuti ang bawat ng kilos ng aming koponan ng sa ganoon ay hindi ako mahirapang mag-adjust sa pangalawang set ng laro mamaya.

Diniribble ni number 7 ang bola bago malakas na sinerve.

AN SERVICE ACE!

Hindi nagkamali si Symon sa sinabi nya, hindi lang isang beses naka service ace si number 7 kundi lima. Tiningnan ko ang kabilang koponan, kampante parin sila kahit lamang na kami ng limang puntos. Sa pang-anim na serve ni number 7 ay hindi na  naulit ang service ace nya dahil na recieve o ni recieve na ito ng libero. Mukha kasi itong walang pakialam sa bola kaninang naka-limang service ace si number 7. Mukhang pinagbigyan lang niya ito.

Nagpatuloy ang labanan ng dalawang koponan, at masasabi kong magagaling sila. Ang Black Shadow ay nagpapaulan ng walang maka-recive na spike habang tamang depensa lamang ang ginagawa ng Red Army.

Natapos ang unang game at nanalo ang aming koponan.

0-1

"Samahan na kita papunta doon." nakatayong alok saakin ni Symon. Tinanguan ko siya saka nagpaunang maglakad.

Taas noo akong naglalakad papunta sa aming koponan na ngayon ay abala sakanilang kanya-kanyang gawain.

Agad kong nakuha ang atensyon nila, hinanap ng aking mga mata ang babaeng nagsabi saaking maglalaro ako sa pangalawang set.

"Ms. Coreye, nakapag stretching kana ba?" nakangiti kong nilingon ang coach ng Black Shadow ng marinig ang kanyang tanong. Mahina ko siyang tinanguan saka binalingan ng tingin ang mga babaeng naroroon.

"Pakilala ka muna sakanila Ms. Coreye." utos sakanya ng kanilang coach at agad nya naman itong tinanguan.

"Penelope Coreye, setter." ani ko, binalingan ko ang setter ng Black shadow ay nahuli ko itong masama ang tingin sa kawalan.


______________________

"Walang patakaran sa larong ito Penelope Coreye." seryusong ani nito bago ako binigyan ng malamig na tingin.

Matapos kong magpakilala sakanila ay bumalik na kami ni Symon saaming inuupuan. Mahaba-haba pang oras ang hihintayin bago magsimula ang pangalawang dahil mukhang nagka problema. Kung ano man 'yon ay hindi ko alam.

Her Red Hoodie Where stories live. Discover now