Kabanata 3: Vyenne University

11 10 2
                                    


"Vyenne University." mahinang basa ko sa malalaking letra na nakaukit sa mataas na gate na nasa aking harapan. Malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong saakin simula pagbaba ko sa limousine na pagmamay-ari ng aking tiyahin, hawak-hawak ko ang dalawang maleta sa aking mga kamay habang papasok ako sa University.

Pagkapasok ko sa paaralan ng Vyenne ay sumalubong saakin ang mabigat at nakakatakot na awra ng paaralan, siguro dahil sa sobrang laki nito o hindi kaya ay ako ang may problema. Kinapa ko ang dibdib ko ng bigla itong sumikip at sa hindi malamang dahilan ay kinakapos ako ng hininga.

Agad kong ipinikit ang aking mga mata para ikalma ang sarili, ngunit saaking pagpikit ay isang malabong ala-ala ang biglang nagpakita saaking isipan. Sobrang labo, at magulo hindi ko maipalawanag kong ano ito kaya naman dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at ngumiti ng mapait.
Siguro'y hindi maganda ang naging buhay ng aking mga magulang sa paaralang ito kung kaya't ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Kaya naman nandito ako ngayon upang hanapin at alamin ang katotohanan.

Malaki ang Vyenne University, matataas ang gusali na sa aking palagay ay umabot sa anim na palapag ang pinaka mataas. Sa pagpasok pa lamang sa main gate ng university ay makikita na rito ang dalawang nagtataasang gusali na nasa limang palapag na mayroong sampung silid.

Agad akong dumiretso sa dean office  habang hila hila parin ang dalawang maleta, sa pagkakaalam ko ay libre lang ang pag-aaral dito, ang pagkain, allowance at iba pa ay libre

Nagtataka nga ako kung bakit ako pinapunta ng aking tiyahin dito sa lugar na ito siguro dahil libre ang lahat? hindi ko tuloy lubos na maisip na pinalipat nya ako dito dahil naghihirap na kami, hindi sa rason na dito ko malalaman ang sagot sa aking mga katanungan.

Agad kong pinagsa walang bahala ang aking naiisip dahil sa tingin ko ay kapag ito ang nasa isip ko simula ngayong papasok ako ay hindi ko na ma e-enjoy ang pag-aaral ko rito.
Sa daan patungo sa dean office ay nadaanan ko ang ibat-ibang uri ng estudyante, may mga nakasuot ng sweatshirt na kulay itim at itim rin na skirt na kalahati sa tuhod habang ang mga lalaki naman ay pants at tuxedo na kulay itim at puti rin.

Kung hindi napapatitig ay napapairap ang mga nadaraanan kong mga estudyante na pinag kibit-balikat ko na lamang.

Nang makarating ako sa harap ng opisina ay nag pirme mona ako dito ng ilang sandali, at nang akmang kakatok na ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang binatilyong pinagpala ng may kapal sa itsura nitong makalaglag bikini, salubong ang kanyang makakapal na kilay at magulo ang medyo kulot na buhok na kulay tsokolate.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito at dire-diretsong lumabas.
Agad akong pumasok sa opisina at itinabi sa gilid ng pintuan ang mga dala-dala kong gamit.

Isang babaeng may mahabang kulay pulang buhok na nakatirintas ang aking nadatnan sa loob ng opisina, nakatalikod ito saakin ngunit saaking palagay ay alam nyang naririto ako sa kanyang likuran.

Tumikhim ako para maagaw ang kanyang atensyon, agad na umikot ang kanyang upuan dahilan upang magkaharap kami. Isang magandang ngiti ang iginawad nito saakin bago tinuro ang upuan na nasa kanyang harapan senyales na inaanyayahan nya akong maupo na agad ko namang sinunod.

"Ano ang iyong pangalan?" tanong nito saakin bago kinuha ang isang envelope na nasa kanyang lamesa bago binasa, umangat ang kanyang manipis na labi bago pinakawalan ang isang maliit na ngisi.

"Penelope Coreye." hindi pa man ako nakakasagut ay nagpatuloy ito. Ibinaba nito ang papel na hawak na sa tingin ko'y doon naggagaling ang impormasyon tungkol saakin. Binigyan ko sya ng isang tipid na ngiti bago nagsalita.

"Kailan po ako pwedeng pumasok?" tanong ko rito.

"Ikaw, kung kailan mo gusto. Pwede kang pumasok ngayon ngunit mas mabuti na magpahinga kana mona." mahabang ani nito.

Her Red Hoodie Where stories live. Discover now