Kabanata 2: Ano ako?

11 12 2
                                    

continuation


Nag-iinit ang bawat parte ng aking katawan sa hindi malamang dahilan. Ramdam ko ang nagbabadyang pagsabog ng galit mula saaking dibdib.

Agad ko silang sinalubong ng masamang tingin ng maramdaman ang kanilang mga yabag patungo saaking kinaroroonan na nagpatigil sakanila.

Alam kong ramdam nila ang bigat ng aking presensya, dahil patuloy sila sa pag-atras sa bawat hakbang na aking ginagawa.

"B-bakit kulay pula ang mga mata mo?!" agad na sumilay ang ngisi saaking mga labi ng marinig ang takot sa boses nito.

Ramdam ko ang takot at panginginig ng dalawa, ngunit pilit nilang itong nilalabanan.

"H-halimaw ka—arghhh..." agad kong tinungo ang agwat namin sa isat-isa bago ito  ginilitan ng leeg gamit ang aking hairpen.

Hindi ko gusto ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking ito. 
"H-huwag kang lumapit! sabing dyan kalang, papatayin kita!" ani ng kasamahan nito saka  akmang susugod saakin ngunit bago paman sya makalapit inunahan ko na sya, at sa isang iglap lamang ay naliligo na ang lalake sa sarili nyang dugo.

Hindi ko na alam ang nangyayare sa sarili ko, nanginginig ang aking mga kamay at gustong gusto pang pumatay ngunit sa kabila noon ay nakaramdam ako ng takot sa aking sarili.

Hindi ako to, hindi ako mamamatay tao.

Naghahalo ang galit at takot saaking isipan, naguguluhan sa hindi malamang dahilan.

Sa isang kurap ay doon ko napagtanto ang aking ginawa,  tiningnan ko ang mga palad na puno ng dugo agad kong nabitawan ang hairpen na puno narin ng dugo mula sa dalawang lalaki.  Dahan-dahang akonh  napaupo sa kalsada dahil sa panghihina.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa gusto kumawala, agad na nanlabo ang aking mga mata dahol doon.  Tuluyan na akong napahagulhol sa gitna ng kalsada hanggang sa bumigat ang aking mga mata at nakatulog.


____________

Naalimpungatan ako dahil sa narinig na ingay na nagmumula sa labas, agad kong iginala ang aking paningin sa pamilyar na kwarto, at kusa akong napangiti ng makilala ito.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinungo ang pinto ng aking kwarto upang bumaba.

Bago paman ako makalabas ng kwarto ay rinig na rinig ko ang pag-uusap ni tita Vivian at ng isa pang lalaki, masama ang makinig sa usapan ng iba kaya naman agad kong binuksan at pinto at lumabas.


Nakita ko pa ang nanlalaking mga mata ni tita Vivian ng makita ako ngunit agad din itong nakabawi, binalingan ko ng tingin ng kanyang kausap at binati.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Penelope?" tango na lamang ang aking naging tugon sa tanong ni tita Vivian.

Tuluyan na akong nakababa at dumiretso na sa kusina upang kumuha ng maiinom, dala-dala ang isang basong tubig ay nadaanan ko si tita Vivian at ang kanyang kausap na nakaupo sa couch sa sala.

Lalampasan ko na sana sila ng bigla akong tawagin ng aking tiyahin dahilan upang mapalingon ako sakanila.

"Maupo ka rito Penelope." utos nito saakin, kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nakakabinging katahimikan ang lumukob sa sala ng tuluyan akong maupo. Magkatabi kaming nakaupo ni tita Vivian sa mahabang couch habang ang estrangherong lalaki naman ay nasa harapan namin, inilapag ko ang aking inumin sa lamesang nasa harapan namin na naglikha ito ng kaunting ingay.


Her Red Hoodie Where stories live. Discover now