"Where have you been Alpha?" iyon ang katanungang bumungad sa lalaking kakarating lang galing sa gubat.
"Do you really need to know Third?" iritadong balik na tanong nang tinawag na Alpha.
"I'm just wondering, na baka nahanap mo na ang mate mo o baka naman wala talaga." nakangising ani ni Third, agad naman siyang kuwenelyuhan ng Alpha nang nakangisi.
"I already found my mate." aniya bago binalibag si Third at sa sobrang lakas non ay makakabali ito nang buto sa likod na pwedeng ikamatay ng isang ordinaryong lobo o bampira.
"She's beautiful, powerful, and mysterious." napangiti si Alpha nang maalala ang babaeng nakatagpo nya sa gubat.
"Baliw" ani ni Third bago uminat-inat. "Sakit non ah," nakangusong ani nito ang tinutukoy ay ang ginawang pagbalibag ng Alpha sakanya.
"Third, papasok at mag-aaral tayo Vyenne University. Ihanda mo ang mga gamit natin." seryusong sabi ng Alpha.
"P-pero Alpha? nandon si Atlas at Morena." nauutal na sabi ni Third at hindi maiwasang kabahan.
Ang malamang papasok sa paaralan ang tatlo sa apat na pinuno ng Vyenne ay isang malaking pasabog para sa mga mag-aaral roon.
"Wala akong pakialam sa dalawang iyon, third. Sundin mo nalang ang gusto ko. " ani ng Alpha bago lumabas ng kwarto.
___________
Kinaumagahan ay walang ganang pumasok si Penelope sa paaralan, ukupado ang kanyang isipan sa nangyari kagabi sa gubat.
Ang lalaking nagparamdam sakanya ng hindj maipaliwanag na nararamdaman.
"Penelope, wala kang ambag sa pananaliksik natin." napaangat ng tingin si Penelope sa nagsalita.
Noong una'y napakunot ang kanyang noo sa nito ngunit ngunit kalaunan ay nakilala nya rin ang babaeng nasa harapan nya.
Si Bianca
Nalaman ni Penelope ang pangalan nito dahil sa tulong ng kaibigan si Symon.
Mahinang napamura ng dalaga dahil nakalimutan nyang pumunta sa tagpuan sana nila.
"Pasensya kana, nakalimutan kong pumunta." pagpapaumangin nito at hindi maalis ang titig kay Bianca.
Bakit parang nag-iba ang hitsura nya?
Bulong na tanong ni Penelope sakanyang isipan, at doon nga napansing hindi na ito nakasuot ng makapal na salamin.
"Nanalo ka lang at nakilala nakalimutan mo na agad ang responsibilidad mo." sabi ni Bianca dahilan upang mapataas ang kilay ni Penelope.
"What?!"
"Tsk."
"Deadma sa bashers." napabaling ang tingin ni Penelope kay Symon ng bigla itong sumabat sa usapan.
"S-symon..." nauutal na sabi ni Bianca habang nakatitig sa lalaki.
"Goodmorning Penny...." mahinang bati ni Symon bago inakbayan si Penelope.
Napangisi si Penelope ng makita ang reaksyon ni Bianca, kinuha nha ang atensyon nito na ngayon ay nakabusangot ang mukha.
"Ano pa ba ang hindi nagagawa? ako nalang ang gagawa para naman may ambag ako." madiing sabi ni Penelope at in-emphasize ang salitang 'ambag'
Umirap si Bianca bago binigay kay Penelope ang folder na gusot.
"Tapos na namin Penelope, ikaw nalang mag incode ng lahat ng yan sa library. Ikaw nalang din ang mag pasunod-sunod ng mga yan." walang nagawa si Penelope kung hindi kunin ang folder.
YOU ARE READING
Her Red Hoodie
VampireLumaking uhaw sa katotohanan ang dalagang si Penelope Coreye, ngunit kahit anong tago ng kanyang tiyahin sakanya ng katotohanan ay ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang mamulat si Penelope sakanyang tunay na katauhan. Simula nang makapa...