Kabanata 1: Penelope

15 12 3
                                    


Hating gabi ng magising ako sa dahil sa hindi kaaya-ayang panaginip, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pawisan ang aking mga noo at may mga butil ng luhang tumutulo saaking pisnge.

Agad akong napaupo sa kama bago binalingan ng tingin ang orasan na nasa tabi.  11:42am Tatlong pong minuto bago sumapit ang alas dose—ang araw ng aking kapanganakan.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ko naisipang bumangon at bumaba para kumuha ng maiinom. Pagbaba ko naabutan ko si Tita Vivian na umiinom ng kape sa kusina.

"Why are you still awake Pen?" mahinang tanong nito na sapat na upang marinig ko. Umupo ako sa harap nito at pinaglaruan ang tubig na kinuha ko bago sumagot.

"Ginising ako tita ng masamang panaginip."  I said jokingly.

Agad akong napatingin sakanya ng hindi sya sumagot at doon ko nakita ang kabuuan ng kanyang itsura. Ang kanyang kulay abong mga mata ay puno ng pangamba at takot habang nakatingin saakin, nakaawang  ang kanyang mapupulang labi na hugis puso na ngayo'y namumutla na.

"What's wrong tita Vivian?" hindi ko na naitago ang pag-aalala saaking boses.

"Ano bang napaginipan mo?" tanong nito habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.

Ako naman ngayon ang hindi mapakali sa kanyang mga tanong.

Panaginip

Walang katotohanan, minsan nga'y sabi nila kabaliktaran daw ang mangyayare sa totoong buhay.

Napailing nalang ako bago sumagot.
"Nasa masukid at madilim daw akong gubat tita, nakatingin sa isang babae na walang tigil na tumatakbo." mahina akong natawa dahil bakas ang takot saaking boses bago nagpatuloy.

Takot para sa babaeng nakikita ko palagi sa panaginip ko.

"Takot na takot ako, takot ako dahil may humahabol sa babaeng yun. Hindi tao, kundi mga kawal, bampira at mga lobo." mahinang pagpapatuloy ko.

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sakanyanh mukha pagkatapos kong sabihin iyo.

Naging blangkong muli ang kanyang ekspresyon, ganitong-ganito siya kapag pagkatao ko ang pinag-uusapan namin.

Pero panaginip ko ang pinag-uusapan namin.

Hindi kaya?

Magsasalita na sana ako ng unahan nya ako.

"Bumalik kana sa kwarto mo, h'wag mo ng isipin yun." sinabi nya iyon gamit ang malamig na boses na hindi na bago saakin.

"Tungkol na naman ba ito tita Vivian sa pagkatao ko?" nag-iingat na tanong ko, nakatitig lamang ako sakanya habang tina tantsa ang kanyang magiging reaksyon.

Palagi nalang ganito, sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa mga magulang ko ay palagi syang nagagalit at yun ang hindi ko maintindihan.

Simula ng magkamalay ako'y pilit nyang sinasabi saakin na napaka bata ko pa para malaman ang tungkol sa aking mga magulang, kaya naman hindi ko na ito pinilit pa dahil alam kong alam nya kung ano ang mas makakabubuti saakin.

Lumalaki rin ako, nagkaka edad at natututo.

Sa bawat taong lumilipas ay dumadagdag ang aking gulang, dahilan upang matutunan ko ang mga tama't maling gawain at ang pagiging responsabling babae. Simula nang sabihin saakin ni tita Vivian na bata pa ako't hindi ko pa maiintindihan ang kalagayan ng aking buhay ay gustong-gusto ko ng lumaki ng sa ganoon  ay malaman at maintindihan ko ito.

At sa tingin ko'y ito na ang oras na iyon.

"Mag-aaway na naman ba tayo Penelope tungkol dito?" pigil na galit na ani nito.

Her Red Hoodie Where stories live. Discover now