A/N: Dahil sa mga request niyo ito na ang inaabangan(Daw?) Na update. Enjoy reading at wag mahiyang mag vote at comment. Salamat🤞❤️
A Loving Father (Boyxboy)
Author: ProudSilent
Chapter 02
Nov 05 2023
Genre: Boyxboy. Incest. Drama. Mature
~~~~~~~~~~~~~~~
ANGHEL (POINT OF VIEW)
11:00.am na noong makita ko si Ramiel na pababa na ng hagdan.
Habang ako naman ay nakaupo dito sa may sala at kasaluyang nag dedesign ng bahay para sa aking kliyente dito sa aking laptop.
Napatingin ako sa pangalawa kong anak noong umupo rin ito sa pang isahang upuan dito sa sala habang dala-dala ang kaniyang almusal.
"Good morning Dad." ang kaniyang pag bati sa akin na tinanguan ko na lang at abala pa rin ako sa aking ginagawa.
Tanging si Ramiel lamang ang tumatawag sa akin ng Dad. Kaibahan sa kuya at bunso niyang kapatid at ang dahilan niya ay gusto niya ay siya lang ang tanging tumatawag sa akin noon.
"Uhm Dad?" ang narinig kong tawag pansin ni Ramiel sa akin.
"Ano iyon anak?" tanong ko naman habang nakatutok pa rin ang mata sa aking laptop.
"Dad sorry kung nag away na naman kami ni Kuya Gab sa harapan mo."
"Si Kuya Gab naman kasi e, palagi na lang nakikialam sa mga ginagawa ko." ang tila naasar na wika ni Ramiel.
"Okay lang iyon anak, ang gusto ko lang ay sa susunod na umuwi dito ang Kuya Gab mo ay ayusin niyo na ang hindi niyo pagkakaunawaan upang magkaayos na rin kayong dalawa." ang sagot ko naman sa kaniya.
"Gusto rin daw ng kuya mo na humingi ng tawad dahil may punto naman ang lahat ng mga sinabi mo sa kaniya." ang dagdag ko pang wika at napatingin sa kaniya. Nakita ko sa mata ni Ramiel ang hiya dahil siguro sa ginawa nito kanina.
"Alam ko rin naman po na may pagkakamali rin akong nagawa at nabastos ko si Kuya Gab." si Ramiel.
"Hayaan mo Dad pag umuwi si Kuya dito ay maguusap na kaming dalawa, hindi ko rin naman gusto na palagi na lang kaming ganito magulo at palagi na lang nagaawayan kapag nakikita namin ang isa't isa." ang pagbibigay alam ni Ramiel sa akin na ikinangiti ko naman habang tumitibok sa saya ang puso ko dahil natutuwa ako at alam nila ang kanilang mga pagkakamali at alam nilang patawarin ang isa't isa.
"Ano nga palang gusto mong pananghalian. Ramiel?" pagiiba ko naman ng usapan sabay tingin dito.
Naging maliwanag naman ang mukha nito at lumaki ang ngiti sa akin.
"Pwede bang Chicken wings with white sauce naman. Dad." ang masayang sabi ni Ramiel sa akin at kitang-kita naman ang kinang sa mga mata nito.
Paborito niya kasi ang Chicken wings.
"Sige maluluto ako ng paborito mo."
Nagulat naman ako noong tumakbo ito at yumakap sa akin. Napatawa na lang ako at ginulo ang kaniyang buhok.
Matapos kumain ng almusal ni Ramiel ay muli itong nag tungo sa taas ng kwarto at noong muli itong bumaba ay nakasuot na siya ng pang basketball.
"Papawis lang ako sa labas. Dad." ang paalam nito habang dala-dala ang maliit na bag na may lamang gamit.
Dahil di hamak naman na mas matangkad kesa sa akin si Ramiel ay kailangan ko pang tumingala upang makita ang mukha nito.
"Sige at bumalik ka rin at magluluto na ako ng pananghalian natin." sabi ko naman dito at muli ng bumalik ang aking paningin sa screen ng laptop.
BINABASA MO ANG
A Loving Father (Boyxboy)
AventureIsang Ama tatlong Anak Si Anghel ay mayroong tatlong anak na lalaki na sina Gabriel. Ramiel at ang bunsong si Mikhail. Lahat ay kaya niyang ibigay sa kaniyang mga anak. Ngunit maibibigay pa kaya niya ito kung higit na sa pagiging ama ang hingin ng m...