Chapter 6 - Dinner Date Chef

178 6 0
                                    

Isang buwan na simula 'nung nagsimula ako magtrabaho sa Cosi Deliozioso at isang buwan na rin ang huling pagkikita namin ni Miss Lesia para ipagawa ang First tasked kuno. Maayos naman ang pagtratrabaho ko medyo nakakasundo ko na rin si Chef Santos at naging close ko na rin ang mga ibang staffs dito tulad ng mga waiter dito. Nagtataka lang ako dahil hindi ko pa rin nakikilala yung Head Chef namin dito tinanong ko naman si Chef Santos busy daw sa ibang branch.

Kakalabas ko lang sa locker room at didiretso sana ako sa Pantry para i-check kung may sapat pa yung supplies para masabi ko kay Sir Mike, speaking of Sir Mike mas naging close ko na siya dahil para na siyang father figure sa akin at siya lang din ang unang nakakaalam na bakla ako. Nalaman niya noong nilibre niya ako kasama ang maliit niyang anak na si Nana at yun din ang araw na yun ang una kong pay checked nagulat nga ako dahil 100 thousand ang nakalagay sa cheque imbes na 75K lang ang sabi naman ni Sir Mike ay dahil daw yun kay Miss Lesia, Dahil ba yun sa pagtulong ko sa kanya? Yung First tasked? Edi tuwing may task ako sa kanya ay babayaran din niya ko? Ay basta ang mahalaga ang importante.

Hindi natuloy ang pagpasok ko sa Pantry dahil may narinig akong mga boses sa kusina kaya tinignan ko ang mga ito.

Nakita ko si Miss Lesia kasama ang boyfriend niyang hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon naka upo sa counter kitchen si Miss Lesia habang nakakulong siya sa pagitang ng kanyang nobyo habang masayang nag uusap. Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon at nagtagumpay naman ako dahil tumingin sila sa gawi ko dito sa pinto ng kusina.

"Good Morning po, Miss Lesia and Sir..." pagbati ako sa kanila.

Lumapit naman yung nobyo sa akin at inilahad ang kamay sa akin.

"Hi beautiful, I'm Jaspher Diaz Lesia's boyfriend" pagpapakilala niya pero hininaan niya ang salitang Beautiful.

Napatingin ako sa kamay nitong nakalahad, "Caileigh po, Junior chef po" at nakikamay sa kanya at nakipagtitigan dito. Mukhang Fvck boy.

Hindi pa rin nito binitawan yung kamay ko kaya tumikhim ulit ako at tumingin sa kamay namin.

"Sorry" nahihiyang sabi nito na tinanguan ko nalang.

Napatingin naman ako sa likuran nito at nakita ko si Miss Lesia na nahihirapan makababa kaya naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Miss Lesia at nilagpasan ang nobyo nitong fvck boy. Iniwan ba naman si Miss Lesia sa kitchen counter tapos ngayon hindi man lang niya nilingon ito na ngayon ay nahihirapan bumababa mula sa kitchen counter.

Nang makarating ako ay walang pasabi hinawakan ko ang bewang nito at binuhat para ibaba siya mula sa kitchen counter at naramdaman ko pa itong nagulat at napakapit sa mga balikat ko at tila natigilan ako dahil sa ginawa ko na pinagsisihan ko naman agad dahil hindi pala ito si Ann o mga ibang babae na kafling ko kung hindi anak ito ng boss ko na take note nandito pa ang nobyo niya.

Nagkatitigan kami saglit habang ang mga kamay ko ay nasa bewang pa rin nito habang ang mga kamay nito ay nasa balikat ko pa rin, ako ang unang umiwas ng tingin ng marinig ko ang papalapit na yapak at binitawan ang bewang niya.

"S-sorry po Miss Lesia" halos pabulong kong paumanhin.

"I'm sorry babe, I thought di ka bababa 'e" sabi ni Sir Jaspher at inilingkis nito ang mga kamay sa bewang ni Miss Lesia.

Inirapan lang naman nito ni Miss Lesia.

"By the way, Caileigh right?" tanong nito na tinanguan ko.

Parehas nabaling ang tingin namin ni Miss Lesia kay Sir Jaspher.

"It's our Monthsary today and I want you to cook for our dinner later" maka utos naman ito akala mo naman boss ko.

"Uhm.. I would like to Sir pero po hanggang 10 p.m pa po ang shift ko rito."

Risked it AllWhere stories live. Discover now