LIVING WITH A GHOST

101 8 2
                                    







"Bibigyan kita ng sampung segundo para makapagtago ka!"


"Isa!"


Isang nakakakilabot muling sigaw mula sa taong humahabol sakin. Ang boses niyang hindi pang normal na tao. Malalim na tila pinaghalo-halong boses na nakakapangilabot pakinggan. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan nito. Ang alam ko lang ay gusto niya akong... patayin.


Nagsimula na ito magbilang na parang nakikipaglaro lamang sa bata pero buhay ang nakataya.


Puno na ng dugo ang katawan ko dahil sa saksak sa tagiliran ko. Maraming dugo na ang umagos pero hindi ko ininda kahit na unti-unti ko ng nararamdaman ang pamimilipit. Mas kailangan ko ngayon makatakas at makarating sa lugar kung saan maraming tao at may liwanag.


Hindi ko na masyado marinig ang boses ng humahabol sa akin. Ibig sabihin lamang 'yon ay nakakalayo na ako sa kaniya. Pero hindi 'yon sapat na rason para makampante na ligtas na ang buhay ko ngayon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at ilang saglit lamang ay nakahinga ako ng malalim nang makita ko ang isang maliit na 'di kalumaang bahay at parang wala pang nakatira dito.


Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis na pumasok dito. Agad ako nakakita ng isang upuan at hinila para iipit sa doorknob ng pintuan upang matiyak na hindi siya makapasok.


"Sampu!"


Napapitlag ako nang malinaw kong marinig ang sigaw niya mula sa labas.


Shit! Nasundan niya agad ako.


"Uh oh! Siguraduhin mong hindi kita mahahanap." Mala demonyo pa ito tumawa nang matapos niya sabihin 'yon.


Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko sigurado na ligtas ako rito pero nananalangin ako na sana ay hindi siya pumasok dito kahit maliit lang ang tsansa. Umaasa ako kahit na imposible.


Naglakad ako patungo sa kusina upang maghanap ng gamit panlaban sa taong sabik na paslangin ang buhay ko. Binuksan ko ang mga drawer rito ngunit walang laman na kahit ano.


"Shit!" Inis kong sinarado ang drawer. Binuksan ko rin ang cabinet sa taas pero tanging alikabok lamang at mga maliliit na insekto ang laman nito.


"Is there anyone inside?"


Mabilis akong napalingon sa pintuan. Nakakapagtaka dahil hindi na nakakapangilabot ang tunog ng boses niya ngayon, hindi tulad kanina na mukhang sinapian siya ng demonyo. Ngayon ay tila isa siyang normal na tao na naligaw lamang sa lugar na'to. Kumatok ito ng ilang beses bago ulit magsalita. "Hello? Please, somebody help me!"


Malinaw ko narinig na isang babae ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Boses ng babae na parang niliitan ang boses at magtunog ng isang batang paslit.

LIVING WITH A GHOST [B O O K  1  / UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon