~•~•~
"You look so cute."
Bakit nakakakiliti?
Ang daming daliring gumagalaw...
Inis kong minulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong kiliti sa paa ko.
"Hay! Sa wakas! Nagising din." Tila tagumpay na tinig mula sa paanan ko kaya pinasadahan ko agad ito ng atensyon.
Lintek!
Sinamaan ko siya ng tingin at tarantang umupo sa kama.
"Anong trip mo?!" magkasalubong kilay kong tanong sa kanya nang makita ko itong tuwang tuwa sa kagagahan niya.
"Kumalma ka lang. Ganda mo pa naman, masyadong mainitin ang ulo mo."
"Lumayo ka nga sakin!" Inis kong turan sa kanya.
Imbes na sumunod siya sa utos ko eh lumapit pa siya sakin.
Pasaway!
"Ayoko." tutol niya sabay ngumuso sa akin.
Magsasalita sana pero napangiwi na lamang ako nang mag pout lips ito. Nagpapakyut pa ang multong to?
What the heck!
Unbelievable!
Ano ba talagang trip ng gagang 'to? Kung akala niya cute siya sa pagngunguso niya, pwes hindi dahil nakakabwisit lang siya!
"Gusto lang naman kita gisingin dahil nagluto ako ng pagkain para sayo." masuyo niyang sabi sakin at akmang hahawakan niya ang kanang kamay ko na nakapwesto sa gilid ko.
Agad ko iniwas sa kanya 'yon at bumangon ako sa kama. Feeling close din ang isang 'to. Di porket nakatira siya sa bahay ko ay pwede na niya akong hawakan anytime.
Nadala na ko sa kanya.
Na-trauma pa nga!
Baka kung ano na naman ang gawin sakin.
Tulad ng biglaan niyang paghalik—ew!
Kadiri talaga pag naalala ko ang ginawa niyang karumal-dumal sa akin. Nandidiri ako sa kanya. Kababaeng multo gano'n umasta.
Napatigil ako sa pagiisip ng magprocess sa isipan ko ang huli niyang sinabi.
Nagluto siya ng pagkain para sakin.
Hindi ako concern kung para sakin ang niluto niya.
Nac-curious ako na nakakapag luto ang isang multo?!
Kahibangan.
Bumaling ako paharap sa kanya at tiningnan ito seryoso.
"Ikaw? Nakakapagluto ka?!" Maanghang kong tanong dito.
Ano yun? Characteristic ng mga ghost?
Tumango siya bilang sagot niya. Ngumiti ito na abot hanggang tenga.
Sabagay, nahahawakan niya nga ako eh.
'Yun pa kayang sandok at kawali ano? May pagkaslow din pala ako. Pero kasi sa napapalabas sa TV yung ibang ghost tumatagos at hindi nila nahahawakan yung mga bagay.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH A GHOST [B O O K 1 / UNDER REVISION]
ParanormalAng isang dalaga na si Alexia Forbes na may kakaibang kakayahang makakita ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng iba, ay susubok sa isang paglalakbay na puno ng mga misteryo at pagbubunyag. Habang nilalakbay niya ang isang mundong kung saan a...