CHAPTER FOUR

249 25 0
                                    





~•~•~



Natapos ang klase at mabilis kong kinuha ang mga gamit. Dali dali akong lumabas ng room dahil kanina pa 'ko nakakaramdam na may matang nagmamasid sa akin.

Nakaabang iyon sa labas, may katandaan na rin at isa siyang babae.

"Sandali, Iha!" Rinig kong sigaw habang mabilis na naglalakad.

Kung hindi ako nagkakamali ay sigaw niya 'yon direkta sa akin.

Sumulyap ako habang patuloy sa paglalakad ng mabilis. Kumakaripas na rin siya ng takbo palapit sakin kaya mas lalo ko pa binilisan.

Ang bilis niya

Tumungo ako sa locker area. Kinuha ko ang holywater gun ko at sinuksok kaagad sa bag. Matapos no'n ay madali kong inikot ikot ang bawat sulok na nadadaanan kong hallway makalayo sa babaeng humahabol sa akin.

Ligaw na kaluluwa na naman ba yon?

"Alexia?!" hingal akong napatingin sa babaeng tumawag sakin.

At sino na naman to?

"Bakit parang pagod na pagod ka? Sa'n ka ba nang galing?" tanong nito sakin.

"May h-humahabol...sa'kin" halos kapos hininga kong sagot.

Hindi ko na kinaya ang pagod kaya napaupo na 'ko sa sahig at sumandal sa pader.

"Ohh? Multo ba 'yon?" Kinakabahan na tanong niya sakin at tinabihan ako sa pag upo.

Nagkibit balikat ako. Sinandal ko ang ulo ko sa pader bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Nakakapagod.

Gusto ko ng umuwi para makalayo sa mga multo, pero sa paguwi ko naman may nakaabang pang multo sa akin. Bwisit na buhay!

"Here oh." Agaw atensyon ng katabi ko sa akin. Inabot niya sa'kin ang panyo.

"No, Thanks." tanggi ko.

Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang kamay. Pero bago ko pa mapunasan ng maigi ang mukha ay may malambot na telang lumapat sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo?" kunot kilay kong tanong. Mabilis ko iniwas ang mukha sa panyo niya.

"Arte mo naman. Ikaw na nga pinupunusan"

"Sinabi ko ba na punasan mo ako?" Tumayo ako at iniwan ang babaeng feeling close sa akin. 

She's weird.

Hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis siyang nakapunta sa harapan ko at humarang sa dinadaanan ko.

"Hindi mo ba 'ko naaalala?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Hindi." Sagot ko. Akma na akong paalis nang hawakan niya na ang braso ko.

"Ako 'to! Si Shawntel." mausisa niya kong tiningnan kung naalala ko siya. "Remember me?"

Umiling ako at inikutan ito ng tingin.

"Wala akong pake kung sino ka. Hindi kita kilala." Naiinis kong sagot dito bago lagpasan. 

Gosh! Napaka nonsense ng babaeng 'to. Even if I knew her or not, I won't entertain anyone in this state.

"Bakit ba napakasuplada mo?" sigaw niya pa sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na binigyan pansin ang kaniyang sinabi.

LIVING WITH A GHOST [B O O K  1  / UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon