~•~•~
Dalawang linggo na ang lumipas and guess what?
Nandito pa rin ang bruhang multo.
Sa loob ng dalawang linggo para akong mawawala na sa katinuan dahil sa mga pinaggagawa niya lagi sa'kin.
Guluhin ako ng araw-araw ang naka-wilian niyang gawin.
Lagi niya akong ginigising nang wala sa oras kahit antok na antok pa 'ko at pagod galing sa school. Sa sobrang daming school activities nahihirapan ako isingit kung paano ko isasagawa ang plano na paalisin ang multong 'to.
Lagi niya akong nilalockan ng pinto kapag ayaw ko kainin ang luto niya.
Napaka ingay niya, minsan nagugulat na lang ako nagbabagsakan ang mga utensils sa kitchen. Lalo na kapag hindi ko binibigay ang atensyon na gusto niya. Wtf?!
Kapag may homeworks akong gagawin, umeeksena siya. Madalas niya agawin ang ballpen sa'kin at siya na raw magsasagot, bullshit.
Anong alam ng multo sa pinagaaralan ko?
Kaya madalas sa school na'ko gumagawa ng homeworks bago umuwi at do'n na din ako nakakatulog ng mahimbing kahit ilang minuto lang.
Mayroon pa no'ng isang araw na hindi ko malilimutan na ginawa niya.
Halos pumutok na ugat ko sa leeg dahil sa sobrang inis. Wala akong kaalam-alam na nagagamit niya madalas ang phone ko pag nakakatulog na ako. Nabubuksan niya ang soc-med accounts ko na matagal ko nang hindi naoopen dahil inactive ako sa social life.
Pero nang dahil sa kanya nabuksan ko na naman ito at laking gulat ko na may naka post sa timeline ko na isang video. Video kung saan natutulog ako ng mahimbing habang nakanganga. Binuka niya pa ng maigi ang bunganga ko no'n saka niya shinoot sa bunganga ko ang tinapay. Jusko!
Hiyang hiya na ako sa sarili ko dahil marami-rami rin ang nakakita at nagreacts sa post. Maigi na lang dahil nagising ako after the video was posted 10mins ago, nadelete ko agad. Naalimpungatan ako no'n dahil sa ingay ng tawa niya. Taimtim na lang ako nananalangin na sana ay walang nagsave ng video na yon. Bwisit!
Pisti talaga! Buti na lang naidelete ko agad yon. Kung hindi ko pa agad nadelete yon baka ma-KMJS pa ko dahil may lumulutang na tinapay papasok sa bunganga ko.
Teorya ko na nabubuksan niya ang phone ko dahil sa fingerprint pass. Kaya ngayon ay pinalitan ko ng pattern, which is butterfly pattern na mahirap magets kahit makita niya pa.
Sinusumpa ko talaga ang multong 'yan.
Punong-puno na ako sa kanya! Hindi porket kaya wala akong ginagawang kilos para mapatalsik siya sa pamamahay ko akala niya okay na dito siya tumira.
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na talaga kaya mag tiis na tumagal siya dito. Parang ako pa unang aalis.
Bakit kasi 'di na lang ulit sumulpot yung kinatatakutan niyang demonyo para makuha na ang bruhang multo 'to! Hindi ko siya pipigilan once na pumasok siya dito. Magpapasalamat pa ako basta makuha niya lang ang multo masaya na'ko.
Masama na kung masama. Gusto ko lang naman ng kapayaan sa loob ng bahay ko.
"Pssst!"
BINABASA MO ANG
LIVING WITH A GHOST [B O O K 1 / UNDER REVISION]
ParanormalAng isang dalaga na si Alexia Forbes na may kakaibang kakayahang makakita ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng iba, ay susubok sa isang paglalakbay na puno ng mga misteryo at pagbubunyag. Habang nilalakbay niya ang isang mundong kung saan a...