Unang pagtapak ko pa lang sa room ay dama ko agad ang mabigat na atmospera dito. Iginala ko ang tingin sa mga kaklase ko na ngayo'y nakayuko na tila may dinadalamhatian. Namuhay ang katahimikan sa apat na sulok ng silid na 'to. Malayo mula sa kinasanayan ko sa kanila na maingay at magulo.
Nakakapanibago sila.
At muli sa aking kinasanayan na hindi palasalita at palatanong sa mga ito ay binaliwala ko na lamang sila at kaagad tumungo sa upuan ko na nakapwesto sa bandang likuran. Pero sa pag-upo ko ay naagaw ng atensyon ko si Mark. Tahimik din itong nakayuko at nakatitig sa sahig.
Bigla naman akong nagulat nang mapansin ko na marami siyang pasa sa kaniyang braso at puno ng galos.
"Hey, Mark." tawag ko rito dahil nakaupo siya sa upuan ko.
Hindi siya lumingon sa akin pero ang mga kaklase ko ay oo. Silang lahat ay lumingon sa akin imbes na si Mark. Gulat, takot at kaba ang bumabakas sa kanilang itsura. Kinutuban naman ako ng ilang sa inaasta nila na pagkawirdo.
Marami yatang Mark ang pangalan ngayon?
Muli ko binaling ang atensyon kay Mark. Nanatili lang itong nakayuko at parang di ako narinig. Tulog ba siya? Lumapit ako sa kaniya at iniyuko ang sarili sa gilid niya para tawagin ito.
"Mark." Mahinang bulong ko sapat para marinig niya. Pero 'di niya pa rin ako nililingunan.
Nagtataka naman akong tumingin sa iba kong mga kaklase na lumilikha ng ingay. Ingay na natatakot.
Grabe, ano ba tingin nila sakin? Masama bang tawagin si Mark ngayon?
Binalik ko ang tingin kay Mark at halos mapalundag pa ako sa gulat nang nakatitig na pala siya sa'kin.
"T-tulungan niyo...ko" nahihirapan niyang bigkas sa'kin. Puno ng galos at pasa ang mukha niya. Sariwa pa dahil mamumula pa ang gilid ng kaniyang sugat. Pano niya nakayanan pumasok dito na ganyan ang lagay niya? Hindi niya pa nagagamot.
"Tulungan? Sa'n ka ba galing? Bakit ang dami mong pasa--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang nagsitilian sila. Ang mga kaklase ko na biglang nagsitayuan habang nasigaw. Nagtumpulan silang lahat sa harapan. Pinagmasdan ko ang mga baliw kong kaklase na bakas ang pagkataranta at takot sa katawan.
"N-nakita mo si Mark?" natatakot na tanong sakin ni Rod.
"Ha?" Taka ko siyang tiningnan. Kailan pa sila naging bulag para 'di makita si Mark? Tinuro ko ang katabi ko. "Ayan sya oh-"
Muli na naman sila nagkagulo at nag-ingay ng malakas.
Napatakip ako sa magkabilaang tainga ko. Bwisit! fuck! sakit sa tainga.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH A GHOST [B O O K 1 / UNDER REVISION]
ParanormalAng isang dalaga na si Alexia Forbes na may kakaibang kakayahang makakita ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng iba, ay susubok sa isang paglalakbay na puno ng mga misteryo at pagbubunyag. Habang nilalakbay niya ang isang mundong kung saan a...