CHAPTER NINE

261 23 0
                                    





~•~•~








"Ang bigat mo!"angal niya.


Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa makarating kami dito sa loob ng kwarto ko.


Dumaing lang ako bilang sagot ko sa pagrereklamo niya.


Naramdaman ko na lang na tinulak niya ako ng malakas. At salamat naman dahil sa kama niya ako tinulak hindi sa sahig.


Nakatihaya akong nakahiga sa kama habang ang dalawang paa ko naman ay nakasayad sa sahig. Binukaka ko ang dalawang kamay ko at ginalaw-galaw ko ang ulo ko habang nakapikit ako.


"kung alam ko lang na mangyayari ito sana pala hindi kita pinabayaang uminom ng alak para sa kadramahan mo sa buhay" inis niyang saad.


Nimulat ko ang mata ko at hinanap agad siya ng tingin ko kung san siya nakapwesto.


Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya at nakaupo pa dito sa kama. Ang galing niya naman. Hindi ko man lang naramdaman kung lumundag siya patabi sakin.


Hinila niya ang braso ko at maayos niya akong ini-upo kahit nahihilo na ako.


"Ang baho mo"Pagkaraay sabi niya at binitawan niya ang braso ko. Nilipat niya ito papunta sa laylayan ng damit ko.


Nagtataka akong tiningnan siya.


"Maghubad ka" seryoso niyang sambit.


Nagulat ako sa sinabi niya at di ko maiwasang lumunok.


Unti-unti na niyang tinaas ang damit ko hanggang sa lumantad na ang buong tyan ko hanggang sa--- pinigilan ko siya.


Nilayo ko ang kamay niya sa damit ko.


Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon. Pero ang totoo talaga ay naiilang ako at medyo kinabahan. Kahit parehas kaming babae ay parang iba siya sa paningin ko at ayaw ko ipakita sa kanya ang hubad kong katawan.


Nagiwas ako ng tingin at nahihiyang napayuko ako.


"b-bakit? A-ano bang gagawin mo?" nahihiyang saad ko.


"Maligo ka at magpalit ng damit" sagot niya. Iginiya niya muli ang tingin ko sa kanya. Akma niya ulit huhubarin ang damit ko pero pinigilan ko ulit siya.


"H-hindi na ko bata. Kaya ko naman maghubad at maligo ng mag-isa." naiilang kong sambit.


Medyo nawawala na din ang tama sa ulo ko kaya medyo na lang din ang hilo na nararamdaman ko.


Hindi siya sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin na kala mo ay may hinihintay.


"Ano pang ginagawa mo? Maghubad ka na" utos niya na kala mo ay isang teacher na kapag hindi mo sinunod ang utos niya ay tiyak may kahahantungan ka.


Biglang namula ang muka ko at takang tiningnan siya.


"Dito ka lang?" nagtatakang tanong ko dito.


Imbes na sagutin niya ako verbally ay tinanguhan niya ako na parang naiinip na sa kahihintay.


Sigurado siya? Dito lang siya hanggang sa maghubad ako?


'Wala namang masama kung ilantad mo ang buo mong katawan sa kapwa mo babae. Parehas kayo niyan kaya ano pang ikahihiya mo?' singit ng kung sino sa isipan ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIVING WITH A GHOST [B O O K  1  / UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon