Chapter 3

18 0 0
                                    

Eight days have passed since our 135-hour-work immersion started. Medyo nagiging magaan naman ang trabaho as I was getting used to it. I remembered noong unang araw, pagod at sakit ng likod ang ininda ko sa gabi. Sa una lang naman talaga masakit, tama nga ang kadalasang sinasabi ng karamihan. Pero naiisip ko na at second attempt and so on, nandoon pa naman yung sakit, 'yon nga lang nasanay tayo rito at binalewala nalang ito.

“Good morning, mga tatay,” alive na alive kong bati sa mga male elders nang pumasok ako sa ward nila. Kasama ang kagrupo, nilinis namin sa umaga pa lang ang loob ng male ward buildings. Dahil seryoso kami sa ginagawa, we finished doing our work so early. Iba talaga pag hindi nag-uusap on duty noh? Kuwento nga ng teacher ko sa History noong elementary, pag hard work ang pag-usupan, nangunguna talaga ang mga Filipino. 'Yon nga lang 'pag marami ang gumagawa, kunti lang ang output ng grupo. Bakit kaya? She used to tell us a story.

She said, “In a factory, 5 Filipinos versus 5 Japanese are grouped to work respectively by nationality. It's not because their employer is racist. The owner only tested their working ability. The Japanese won after the day. On the next day, 3 Filipinos versus 3 Japanese are tested again, Japanese workers won for the 2nd time around. On the last testing, there's only 1 Filipino and 1 Japanese. The result is a bit contradicting as the Filipino worker produced more items than the Japanese. On the other day, further testing conducted. All of the 10 workers are tested again for final evaluation, but they are working separately this time. After 24 hours of working, the owner found out that Filipinos are good on working alone but not together. Meanwhile, the conclusion is the opposite when it comes to Japanese people's working abilities. Another findings revealed by the owner, Filipinos are talkative that's why groupings aren't the best for them while working.”

Maaaring tama nga si teacher pero nakadepende pa rin yun sa mismong worker siguro. Hardwork cannot be tested by nationality, but on an individual's working ability.

Dahil tapos naman ang trabaho namin, naisipan kong tingnan ang bawat sulok ng institution. Ang una kong pinuntahan ay ang likod na bahagi ng ward buildings. Mag-isa kong nilakbay ang back lobby. Napatigil ako nang nasa bandang gitna na ako, may mga malalaking haligi kasi na ginawa ata bilang suporta sa terrace. Nang tumingin ako sa harapan ko, napatigil ako nang makita ang malaking gate na may nakapulupot na malalaking kadena at kandado. I guess, this is supposedly the entrance gate. Pero bakit hindi ito ang binubuksan? Napaisip ako kong bakit sa supposedly exit way lang 'yong binubuksan nilang gate ngayon, hindi pa naman kalakihan 'yon. Narealized ko na wala palang vehicle way kung dadaan dito. At isa pa, malapit dito ang mga elders baka malinlang pa ang guard at magtakbuhan palabas ang mga matatanda. Public road pa naman ang labas na nito. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot na uniform at nagpicture. Nagmumukha akong langgam sa ilalim ng apat na haligi na gawa sa semento. Lumakad ako papalapit sa nakasarang gate at nagpatuloy lang sa pagkuha ng litrato.

“Perfect. Ay ano ba yan. Okay ito,” ilan lang yan sa mga sarili kong reactions sa mga litrato.

“Ouch,” nasabi ko nang parang umuntog na maliit na bagay sa ulo ko. Sinong may gawa nun? Napalinga-linga ako sa paligid pero wala namang ibang tao maliban sa akin. Napatakip ako ng bibig nang mapatingin sa puno ng acacia at iba pang malalaking kahoy sa paligid.

Di kaya may maligno rito? Di kaya libingan ang lugar na ito noong unang panahon? Kinilabutan ako sa naiisip pero bigla akong nanigas at napakurap-kurap nang may marinig na halakhak.

Where the hell did it came from? And who the hell just laughed?

Gusto ko sanang isiping guni-guni ko lang yun pero nang may tumama na naman sa'king maliit na bato, agad kong nasaksihan kung saan ito galing.

From the rooftop na nagiging terrace, nandoon ang may pakana ng lahat. He is smiling at me like a beast. Tama nga akong may maligno rito. Bakit niya ako binabato? Nagpapansin ba siya sakin? Mag-iisang linggo ko ata siyang hindi nakikita rito sa institution. Balita ko sa mga kaklase ko, may seminar daw itong dinaluhan. Siya ang ipinadala ng mommy niya para magrepresenta sa Sacred de Salaia de San Pablo.

Sincerely Yours, Marileigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon