Chapter 8

4 1 0
                                    

Akala ko 'yon lang ang magpapahirap sa akin na kumilos bilang isang high-spirited caregiver that I am usually was, pero hindi ko na kinakaya ang sunod pang dumating na talagang nagpatibag ng puso ko. After spending almost 15 minutes inside the female ward cubicle, narinig kong may pumasok na dalawang babae na pinag-uusapan ang hindi ko inakalang marinig.

“Noon pa naman napapabalita na sila ay magjowa.”

“Talaga? Bakit daw umalis sa ibang bansa 'yong babae?”

“May aksidente raw kasi na nangyari 2 years ago kaya kinailangan ng babae ng mahabang oras at malayong lugar para tanggapin iyon.”

“Ganun ba? Pero nagbalik na siya, paniguradong naka-move on na siguro?” Natigil lang sila nang may kumatok.

“Shut up na tayo, baka si Miss Health Nutritionist 'yang kumakatok at mabisto pa tayo, girl,” bulong na sabi at naghagikhikan ang dalawa. Hindi mahirap para sa'kin na intindihin kung sino ang tinutukoy nila. Parang isang mabigat na bagay akong ipinatong sa inidoro, hindi ako nakalagaw agad at parang binuhusan ng isang malamig na tubig. Ano ba ang totoo? Nagkaroon ba ng relasyon sina John at McDonell? Paano naman ngayon? Ano na ang estado nilang dalawa?

At night, hindi talaga ako napalagay kaya naman I did all the research to even catch information about their real score now and before. May mga mensahe siya sa akin ngayon, pero hindi ko binubuksan. Instead, I accepted his friend request and scrolled through his timeline. Isn't it ironic that we are lovers yet constantly chatting on Messenger, but we are not friends on Facebook? Gloomy days as they called it, but they're maybe right I guess. Mas lalo akong na-frustate dahil wala akong impormasyon na nakuha sa timeline niya. Sinubukan ko ring i-search iyong pangalan ng babae, pero walang lumabas na may profile picture na mukha nito.

Para akong umattend sa isang lamay sa naging istura ko nang pumasok kinabukasan. Naligo naman ako, pero klarong-klaro ang aking eyebags sa kakaiyak at walang tigil na pag-ooverthink. Mga pasado alas 10 ng umaga nang tinungo ko ang likod ng mga ward buildings. Tahimik lang ako roong nagmuni-muni, sinubukang ilibang ang sarili sa mga bulaklak doon nang may galit na tumawag sa aking pangalan kaya binalingan ko ito. Mahaba ang kaniyang maitim na buhok, typical morena ang kutis, at sakto lang ang tangkad. Nagbabaga ang mga mata ng babaeng hindi ko kilala, pero alam kong taga St. Anne dahil sa suot nitong uniporme.

“Ang landi-landi mo.” Parang dragon niya ito kung bigkasin. Napanganga lang ako. Tama ba siya ng taong nilapitan?

“Excuse me, miss?” Naguguluhan kong pagkaklaro baka kasi matauhan siya.

“Nagkamali ka ata ng taong pinagsabihan niyan.” Natatawa ko pang sambit.

“Nagkamali? Kailan man ay hindi ako nagkakamali sa mga lintang lumalapit sa boyfriend ko.” Naalarma ako, dahil hindi ko talaga mawari kung ano ang nangyayari. Napansin ko ring nagsilapitan na ang mga kaklase ko gayundin sa kaniya.

“Sinong boyfriend mo ang nilalapitan ko?” Napalakas din ang boses ko. Natawa ito at itinaas ang kilay.

“Ang galing, nakuha mo pang magmaang-maangan? Kakaiba ka.” Tila pa nandidiri nitong sambit sa akin na ako'y tiningnan ulo hanggang paa. Agad na rumihistro sa isip ko ang mukha ni John. Natakot ako bigla. Siya kaya ang tinutukoy nito? Kung ganun, ilan ba kaming mga babae niya? Pilit ko iyong iwinaksi sa isip dahil masasaktan lang ako kung maniniwala ako. Napapasinghap at nagbulung-bulongan ang mga tao sa paligid namin na nakaabang kung ano ang susunod na eksena o mga salitang lalabas sa amin.

“Pasensya na, miss ha. Pero I think, nagkamali ka talaga ng taong pinag-initan ng selos mo. Hindi ko kilala 'yang boyfriend na tinutukoy mo kung sino man yan. Kaya it is senseless for you to point your finger right at me. Excuse me.” I tried to be casual as I said that. I was about to leave the place nang isigaw nito ang pangalan ng boyfriend niya.

Sincerely Yours, Marileigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon