At night, pumasok sa isip ko na magtanong sa kaniya ng diretso tungkol kay Miss McDonnell pero pinangunahan naman ako ng pangamba na baka ma-offend ko siya. Kung talaga ngang totoo ang pinararamdam at sinasabi niya sa'kin, naniniwala akong siya na mismo ang magsabi o magpaliwanag sa akin kung ano nga ba ang totoo. Pero kung wala naman, anong sasabihin niya? Edi wala. Opinyon lang naman iyon ng mga kaklase ko. Wala pang patunay sila roon.
“What are you doing right now?,” mensahe niya. Kasalukuyan kami ngayong nagpapalitan ng chats.
“Nakahiga na. Medyo masama pakiramdam ko,” pag-aamin ko pa. After duty kasi medyo nilalamig ako at gusto ko na agad magpahinga. Kaya naman, pagkatapos kumain ng haponan at iilang minutong pag-upo roon sa kusina, humiga na ako sa kama.
“Anong nararamdaman mo, specifically? I might know if it's a symptom of some sickness.”
“Pagod lang siguro 'to.”
“Kahit pagod o ano pa yan, kung nandiyan lang sana ako kasama ka. I must've done something to make you feel better.” Awtomatikong umandar naman ang pagiging green-minded ko.
“Do something? Like what?”
“Like cuddling or massaging I guess. Whatever is preferable for you.” Napakagat-labi ako na napataklob sa kumot.
“Well, if that'll makes me better. I must take both options.” Nagdadalawang isip ako kung irereply ko ba 'yon, pero sa huli ginawa ko nga.
“Yeah, who's in right mind not to choose both if they are offered freely? Might as well I would add some foot spa? What do you think?”
“That's a lot of services already. Baka naman may singilan after gawin 'yan?” Natatawa ako sa'king sariling reply. Ganun naman talaga kadalasang ginagawa ng mga negosyante, lalo na 'yong sa palengke. 'Yong bibigyan ka kuno ng isang bagay, tapos paghawak mo na saka lang nila isasabi sayo ang presyo, nakakaloka.
“Depende. Pero tumatanggap naman ako ng reverse payment.”
“What's that?,” inosente ko pang tanong pero may naiisip na ako, 'di lang ako sure kung tama.
“Make me feel what I made you feel. That's it.” Kinilabutan ako sa aking nabasa. Para kasing bigla na sumagi sa isip ko na ginagawa rin ang mga bagay na iyon sa kaniya.
“Gusto ko 'yong libre. Free tasting kung sa pagkain pa, ganun. Baka kasi 'di ko magustuhan eh. Baka mas lalo pang sumama ang pakiramdam ko. Edi ako 'yong talo.”
“Subukan natin para malaman mo.” Talagang nanlaki ang mga mata ko. Baka napikon ko na ang isang 'to. Kaya 'di na nakapagpigil at talagang hinahamon na ako.
“Sira! For sure, bukas okay na ako.” Pag-iiba ko naman sa topic. Ayokong umabot pa kami sa part na nakakaloka na talaga. Baka 'di ko kakayanin.
“'Pag kasi ginawa ko baka di pa aabutan ng alas dose sa madaling araw, okay na eh.” At talagang iniinsist niya pa. Napailing-iling ako.
“Baliw ka talaga.”
“Sige na, matutulog na ako,” dagdag na mensahe ko.
“Gusto ko pa sanang makausap ka, pero sige na nga, magpahinga kana. Mas mabuti na sinusulit mo ang pag-alaga sa sarili mo.”
“Huh?”
“Kasi someday, 'di muna kailangang gawin iyon. Ako nalang ang magbabysit sayo. Tutal, pinagsabihan mo naman ako na ang tanda-tanda ko na. Puwes, ipaparanas ko sayo ang klase ng pag-aalaga ng may edad.” Laglag ang panga at halos atakihin ako sa puso. 'Yon ang reaction ko.
“Loko ka talaga! Matulog kana rin po baka sasakit pa tuhod mo niyan. Haha,” pang-aasar ko.
I turned on the camera of my phone and took a selfie with my two fingers in peace sign and letting my tongue out like a puppy. Hindi ko na hinintay ang reply niya nang bigla akong tinawag ni Roselyn.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Marileigh
Short StoryJohn Jedrick Sy, a 32-year-old man, found himself stunned by accidentally listening to a radio program with a familiar love story confession sent by Marileigh La Fuentes, a then-19-year-old woman who had undergone an internship at a home for the eld...