On our 3rd Wednesday, 13 days of having our internship to be exact, pinaalam sa amin ni Miss Lovie na darating daw ngayong araw 'yong mga taga ibang skwelahan na mga kagaya naming work immersionists din. Nang dumating kami ni Roselyn doon, marami na kaming namataan na mga bagong mukha. Kagaya namin, naka-uniporme rin sila. Iyong mga kaklase namin na maagang dumating, ayon nakikipagchikahan na sa mga ito.
Last Friday, wala namang kakaibang nangyari. Nagkita kami ni John pero walang verbal communication. Nagpapalitan naman kami ng mensahe via Messenger. Sa kabilang banda, noong gabi na ako ay ihinatid niya. Kulang nalang magmakaawa ako na huwag sa mismong tapat ng daan papuntang boarding house namin niya ako ibaba. Totoo na hindi ako taga rito sa Salaia kaya hindi 'yong mga mausisa na kapitbahay na nakikita ako araw-araw papunta sa institution ang ikinabahala ko, kundi ang mga kaklase. Pero hindi siya nagpadala sa akin, talagang sinunod niya kung ano ang gusto niya. Matagal bago ako bumaba kasi sinigurado ko pa na walang ni isang classmate ko na nasa paligid.
"Are you really sure na ayaw mo na ihatid pa kita hanggang sa mismong tapat ng pinto ng boarding house niyo?," pinandilatan ko siya sa pang-aasar niyang tanong.
"Bakit ka ba natatakot na makita tayo ng mga kaklase mo o ng kung sino? Puwera nalang kung totoong boyfriend mo nga 'yong, Nanami," napailing-iling lang ako.
Hindi ba niya naiisip na baka kumalat pa na ihinatid niya ako? Paniguradong gagawin iyong big deal ng mga kaklase ko. Paano kung umabot pa ito sa mga staff sa institution, lalo na sa mama niya? Wala akong alam na batas na bawal na may mamagitan na relasyon sa isang OJT trainee at sa boss nito. But that thought makes me think it doesn't feel right nor appropriate. Kahit pa man act of kindness niya iyong paghatid sa akin, the interpretation and absurd conclusion of those who might know could be brutal. Just like rumors that are terrible and cruel, but honey, sometimes, most of them are true, sabi pa nga sa kantang New Romantics (Taylor's Version). 'Yon ang ikinakatakot ko.
"Bahala ka na nga kung ayaw mong maniwala. Basta ako malinis ang konsensya ko na hindi ako nagsisinungaling na walang namamagitan sa amin ni Nanami maliban sa pagiging magkaibigan." Mula sa passenger's seat, inabot ko sa likod ang mga pinamili.
"Anyway, salamat sa paghatid sa akin. Iisipin ko ito na isang malaking utang na loob," huling sinabi ko sabay bukas ng pinto at lumabas. Nang kukuhanin ko na ang plastic bag ng mga pinamili sa passenger's seat, matagumpay niyang hinagilap ang kamay ko.
"Kung isang krimen ang ihatid ka, handa ako na maging kriminal para gawin ito araw-araw kahit umaga man, tanghali, gabi o madaling araw pa. Bago pa man ako mahuli at ibilanggo ng pulisya, sisiguraduhin ko na ang puso mo'y sa akin ay nakakandado na." Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko sa aking bag, mananatili pa siguro kami roong tahimik na nakipagtitigan sa isa't-isa.
"Sa uulit-ulitin ko John, maraming salamat sa paghatid sa akin. Mag-iingat ka sa iyong pagmamaneho," nauutal man at hindi sigurado na tama ba na sabihin iyong panghuling linya, naituwid ko naman. Ako na ang bumawi sa kamay ko, kinuha ang pinamili, at isinarado ang pinto. Hindi ko na nakita pa ang mukha niya mula sa labas dahil tinted yung salamin ng kotse. Nang umikot ako at napunta na sa malapit sa driver's seat, kahit hindi alam kong nakatingin ba siya sa akin sa loob, itinaas ko ang mga kamay at kumaway rito ng pamamaalam na may mga ngiti sa labi. Tumalikod ako ng di oras nang marinig ang biglaang pagbusina niya. Is he still not realizing it na todo ingat nga ako na walang makakakita sa aming classmates ko na ako'y lumabas galing sa sasakyan niya, at talagang gumawa pa siya ng ingay? Napatabon ako ng mukha at dali-daling umalis doon. Nang dumating ako sa kwarto, agad akong dinaluhan ng mga kasama.
"Mabuti naman at may nahanap kang sasakyan pauwi, Yeng. Nag-alala kami sayo," ningitian ko lang si Roselyn. Pumasok na naman sa isip ko ang hinayupak na 'yon, nakauwi na kaya siya o safe ba siyang umabot sa pinuntahan niya?
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Marileigh
Short StoryJohn Jedrick Sy, a 32-year-old man, found himself stunned by accidentally listening to a radio program with a familiar love story confession sent by Marileigh La Fuentes, a then-19-year-old woman who had undergone an internship at a home for the eld...