Chapter 9

8 1 0
                                    

The day after the most challenging day in my life was peaceful. Wala akong narinig na mga kung ano-anong salita galing sa mga kaklase. Even at work, wala. Pero walang Miss McDonell at John na nagpakita sa institution. He doesn't text me anything. Our last conversation ay 'yong sa bodega pa. Hindi ko rin sinabi sa kaniya ang naganap kagabi sa boarding house. Narrating everything is time-consuming. Naisip kong kapag nagkita lang kami ko nalang sasabihin. Isa pa, super drained ako sa lahat nang naganap kahapon. From Shane, John, and Britanney. It was exasperating.

“Bakit po wala sila Ma'am Demeter ngayon, Miss Lovie?,” nagpatuloy lang ako sa ginawa habang si Angela ay kuryosong nagtatanong sa tabi.

“Busy kasi ngayon ang mga Cui dahil sa matagal nang pinaghandaang event bukas.”

Anong event? How big it is that they are all absent right now? It's that important?

“Kung tatanungin mo ako kung ano 'yong event, hindi ko rin masasagot 'yan, Angela. Madalian man ang preparation, pero ang alam ko matagal na itong nakaplano noon pa, like 2 years ago.” Bigla kong naalala ang sinabi ni John na aksidente, 2 years ago. May kinalaman kaya ang event na ito sa aksidenteng iyon?

Sumunod ako kay Miss Lovie sa clinic dahil hindi niya kayang bitbitin ang lahat ng gamot pabalik doon. Hindi naman siguro masama ang mang-usisa lalo pa't gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang aksidente, sino ang mga involved, at bakit naghahanap si John ng hustisiya.

“Miss Lovie, matagal na po ba kayo na nagtatrabaho rito?,” panimula ko pang tanong at hindi pinahalatang may gusto akong impormasyon na malaman.

“Oo, magtatatlong taon na ako rito this March.”

“Talaga po?” Ngumiti ito.

“Paano po kayo nakapasok dito?” Napatigil siya saglit at nag-isip.

“Mahabang storya, Marileigh, pero to make it short. Kagaya ninyo nagkaroon ako ng internship, pero sa college na iyon, ha. I was accepted sa isang prestigious private hospital sa syudad at isa sa mga na-assigned na bedridden patients sa akin ay ang asawa ni Ma'am Demeter.”

Come to think of it, he never mentioned his father to me. Wala rin akong kaalaman kung sino o ano ang itsura ng papa niya. Nasaan na ito ngayon?

“Na-comatose si Sir Froilan noong una ko itong makita. Ang sabi, car accident daw. Pero mabilis 'yong recovery niya, after almost 7 months nagising na ito. Good thing, his memory did not vanish compared to those other comatose patients na nakakalimutan ang mga alaala nila.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Sa mga panahong iyon, nakilala na rin ako ni Ma'am Demeter at Jedrick dahil palagi ako roong nakabantay. Sa kagalakan nila sa pagkabalik ng senses ni Sir Froilan, agad akong binigyan ng offer ni Ma'am Demeter na rito magtrabaho sa institution after graduation. Take note, wala pa akong licensed noon ha, pero noong nagsimula naman ako rito ay naipasa ko na ang board exam.” Makikita ko sa mga mata ni Miss Lovie ang nakakaproud niyang achievement na iyon. Pumasok kami sa clinic at inilapag ang mga gamot.

“Nasaan na po pala si Sir Froilan ngayon, Miss Lovie?” Natigilan naman siya sa pagbalik ng mga gamot sa cabinet. Malamya ang mukha niya nang bumaling sa'kin.

“He died 2 years ago,” parang pabulong sa hina niya lang iyong sinabi. Agad na rumihistro sa utak ko ang mukha ni John nang sabihin niya na malapit na siya sa hustisya. Hustisya kaya sa pagkamatay ng papa niya ang hinahanap niya? Ano ba talaga ang aksidente na nangyari 2 years ago?

“Pakibigay ito kay Ma'am Annie, Marileigh.” Hanggang doon lang ang nalaman ko dahil pinabalik na ako ni Miss Lovie dala ang mga syringes na para kay Ma'am Annie. Matapos ko itong maibigay, agad kong pasikretong kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking pants. Sinigurado ko naman na walang CCTV camera bago ko iyon ginawa. Nagresearch ako sa Internet.

Sincerely Yours, Marileigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon