Chapter 1 - The Wedding Across Centuries
Kung may mag-asawang mahirap maintindihan ang relasyon, isa na doon ang hari at reyna ng Olympus na sina Zeus at Hera. Makalipas ang ilang taon simula nang bumalik sila sa kanilang trono ay naisipan nila na muling magpakasal.
Isang engrandeng kasal ang ginanap sa bundok ng Olympus at lahat ay kanilang inimbitahan.
This must be the most festive celebration in Olympus since then. They've been celebrating the union of Hera and Zeus for the third day now.
"Can you imagine yourself in the same stupid situation?"
Kunot noong tinignan ni Hermes si Hecate na kasama nito ngayong kumakain.
"Alin?"
"Being a groom for a wedding?"
Natawa si Hermes. Dahil sa tanong ni Hecate isa lamang ang naiisip nito. Masyado talaga akong gwapo para itanong iyan ni Hecate sa akin. Nag-aalala ba talaga ang mga kababaihan na ikasal ang gwapong lalaking kagaya ko? Taena, ang hirap ah.
Umiling si Hermes bago ito sinagot. "Ayokong maging dahilan nang kalungkutan ng mga kababaihan."
Hecate frowned her face and couldn't understand where Hermes got all of his confidence.
"Nakakasuka..."
Pareho silang napalingon sa boses ng isang batang babae na lumapit sa kanila. Inirapan nito si Hermes at tiningnan ang kanilang mesa. Akmang kukunin ng bata ang isang hiwa ng nectarine sa mesa nang maunahan ito ni Hermes at agad na kinain.
Hermes purposely did that to annoy Angel. He knows that the kid has been eating the fruit since the first day of the celebration.
"What the f?!" mura ng bata.
Natawa si Hecate sa nasaksihan nito. Panigurado may gulo na namang mangyayari.
"Ano?" tanong ni Hermes. Ngayon ay sigurado na siyang kuhang kuha na n'ya ang inis ng bata.
"I want that nectarine!"
Binaling ni Hermes ang tingin sa lalagyan nito at pinakitang ubos na prutas na nais nito.
"Ubos na. Ba't hindi ka manghingi sa mesa nila Hades?" turo ni Hermes sa mesa ng mag-asawang Hades at Proserpina kung saan galing si Angel.
"Ubos na rin kaya pumunta ako rito!" Diin pa nito.
"Pasensya ka na. Hanap ka na lang sa iba."
Dahil sa inis ay bumalik si Angel na luhaan sa kanilang mesa. Sa lahat ng inihain sa kasalang ito ay ang prutas na iyon ang gustong gusto ng bata.
"What's wrong?" Tanong ni Proserpina sa anak.
"Hermes ate the last piece of nectarine."
Nang malaman ni Hades ang nangyari ay agad nitong inutusan si Hermes na kumuha ng prutas mula sa Kanathos kasama si Angel. Walang nagawa si Hermes dahil si Hades na mismo ang nag-utos sa kan'ya.
Magkasamang nagtungo si Hermes at ang batang si Angel sa bayan ng Kanathos kung saan nila mapipitas ang pinaka masarap na bunga ng nectarine sa buong mundo.
"Alam mo ba, kung hindi ka lang OA malamang ay wala tayo rito ngayon!" pagpaparinig ni Hermes sa bata.
"Excuse me? Kung nasa tamang pag-iisip ka lang malamang ay wala tayo rito ngayon!"
"Oh bakit? Sino ba ang makikinabang sa ginagawa natin ngayon? 'Di ba ikaw lang?"
Humalukipkip si Angel at tinaasan naman ito ng kilay. "Gusto mo bang habulin kang muli ng apoy ni Hades?"
BINABASA MO ANG
Myth 6 - Hermes: Messenger of Gods (On Going)
FantasíaMyth 5 Hermes: The Messenger of Gods Like cats and dogs, the nymph, Angel, and the messenger, Hermes, have a friend-and-enemy relationship. But with Universe's oracle, they have no choice but to join forces to conquer adventures and solve their pro...