Chapter 6 - Blank Grave
"Where are we going?" I asked while following him on the the stairs.
"Basta sundan mo na lang ako."
Wala akong nagawa kun'di ang sundan na lamang si Hermes. Pababa kami sa kan'yang bahay, ngayon ko lang nakita ang ibang parte nito at napagtantong mansyon pala ito.
Nang marating namin ang ibabang parte ng lugar ay sinalubong kami ng mga nakahelerang sasakyan. "What is your favorite color?"
"White," I lied.
"Okay. We'll use this one."
Hindi ko mabilang kung ilan ang sasakyan na nakahanay dito dahil sinundan ko na lang siya papunta sa puting sasakyan na napili n'yang gamitin.
"Are we going to the Elysium of Ambrosia? Have you found it?" I asked as I hopped in his car.
Umiling si Hermes. "Not yet."
"Eh saan tayo pupunta?"
"Relax, Angel. I won't kill or harm you here... Sigurado akong papatayin ako si Hades pag nagkataon."
"Tama ka d'yan— so, saan nga tayo?"
"You'll see..." sagot nito at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Hindi ata ako sasagutin ng lalaking ito kaya hinayaan ko na lang siya. I made myself comfortable in his car, I just focused my eyes on the road while he's driving. I don't want to ask anymore questions, as I also want to surprise myself. Well— except for the fact that he might put me in danger again.
"I actually don't have any idea on where we should find that ambrosia yet..."
Napalingon ako sa gawi n'ya nang magsimula siyang magsalita. I escaped a deep sigh.
"Do you think I'll die?" I worriedly asked. His eyes were focused on the road while driving and talking to me at the same time. He looked serious.
"I won't let that happen."
"What if we fail to find the Elysium of Ambrosia?"
"Don't you trust me?"
Natawa't napailing ako sa sinabi nito. For the first time since I was a little girl, it's surprising that he has this serious side. Well not a surprise — but I know I wouldn't see this side of him if I wasn't in this situation.
"Ikaw ba talaga si Hermes?" I asked.
"Mas lalo ba akong naging gwapo?"
Phew— okay, I don't need to ask anymore. Without a doubt siya nga si Hermes. The only thing that I have to worry about is the wind he's bringing.
Hindi ko akalain mahaba pa pala ang byahe namin kaya't hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng byahe.
"Angel..." a voice gently calling my name while there's a soft tap on my shoulder.
"Angel..." he called my name once again.
"Angel, babangon ka o babangon ka d'yan?!"
Agad akong nagising nang napagtantong boses iyon ni Hermes. Kahit kailan pala talaga ay si Hermes parin ang dadalaw sa bawat bangungot ko.
Kunot noo ko siyang tinignan habang kinukusot ang aking mata. May muta ba ako?
"Napasarap ang tulog mo ah."
Inirapan ko na lang siya. "Nasaan tayo?"
He opened the windshield for me to see where we were. In a cemetery.
![](https://img.wattpad.com/cover/359531266-288-k176477.jpg)
BINABASA MO ANG
Myth 6 - Hermes: Messenger of Gods (On Going)
FantasíaMyth 5 Hermes: The Messenger of Gods Like cats and dogs, the nymph, Angel, and the messenger, Hermes, have a friend-and-enemy relationship. But with Universe's oracle, they have no choice but to join forces to conquer adventures and solve their pro...