CHAPTER 3

4.3K 71 0
                                    

Chapter 3: His fate

HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, na parang kakaiba. Na tila may mangyayari na hindi maganda? Kabado ako masyado, kahit hindi naman ako palaging ganito.

Kaya hinabilin ko na lang kay Kuya Markus na huwag niyang pababayaan si Mikael. Na sana protektahan naman niya ito habang wala ako.

Hindi ko kasi mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak siya. Ako ang kuya niya, kaya dapat ko lang siyang ipagtanggol.


Kaya naman niya ang sarili niya, pero babae pa rin siya at alam kong malambot din ang puso no’n. Sa akin nga lang siya kumukuha nang lakas ng loob, e.



Ngunit sa mga oras na iyon ay parang gusto kong huwag na lang tumuloy at sumunod na lang ako sa sinabi ng nakatatandang kapatid ko. Ngunit kailangan kong umalis.

Para din naman ito sa bunso namin. Upang sa gayon ay matuto naman siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Wala namang nangyari na kakaiba pagdating ko sa port, na patungo Palawan. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko.


Bumaba ako mula sa kotse ko at nagtipa ako sa keyboard para tawagan sana si kuya, pero may bigla na lamang ang humampas sa batok ko.

Halos mawalan ako nang malay. Dahil sa tindi nang kirot nang pagkakapalo sa ’kin. Bumagsak din ako sa sahig. Nagsimula ng mandilim ang paningin ko, hanggang sa hindi ko na nga nakayanan pa ay tuluyan akong kinain ng kadiliman.


Hindi lang naman iyon ang nangyari sa akin, nang nagising ako ay matindi rin ang sinapit ko sa mga kamay ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha. Hindi ko sila kilala at mas mahirap din silang kilalanin dahil sa mga ayos nila.


Ilang beses nila akong binugbog at ang binti ko mismo ang pinuntirya nila. Pakiramdam ko ay may nabaling buto sa aking kanang binti. Tinigilan lang nila ang pananakit sa akin nang makita na hinang-hina na ako at wala na ring lakas pa upang lumaban.



Naramdaman ko lang na pabagsak nila akong inilapag sa isang basurahan. Umaalingawngaw ang malansang amoy nito. Mabigat ang talukap ng mga mata ko at sa pamamanhid ng katawan ko ay nagawa kong gumapang.


Akala ko ay katapusan ko na sa mga oras na iyon. Ngunit may naanigan pa rin ako na maliit na liwanag, kaya ginawa ko ang lahat nang makakaya ko. Gumapang ako kahit nahihirapan pa rin ako.


“H-Help! Help me...” I uttered at nagawa ko ring tumayo saka ko pinara ang isang sasakyan na palapit sa direksyon ko.

Hindi na rin ako sigurado pa kung sila pa rin ang mga taong iniwan na lamang ako sa lugar na ito. Pero nag-take pa rin ako ng risk. Baka kasi hindi rin. Hanggang sa huminto na nga ito at doon lang ako natumba.



Mayamaya lang ay narinig ko ang maliit na boses ng isang babae. Honestly speaking ay kanina pa talaga sila nagsasalita, halos hindi ko na nga rin sila marinig pa.


Stay away from him, Jean!” narinig kong sigaw nito at sunod-sunod na yapak din ang lumalapit sa akin.



Jean! Get inside!


Jean! This might just be a trap!


No, Kuya... He needs our help!


Naramdaman ko lang na may nag-angat sa ulo ko at pinahiga ako nito sa hita niya. Malambot ang palad nito nang dumapo sa pisngi ko. Nalalanghap ko rin ang mabangong halimuyak nito.


The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon