"Girl baka naman kasi di bf ang hanap mo" sabi ni Jackie ang bestfriend at classmate ko. "Ano naman ang hanap ko?" tanong ko na naiinis na sa kakaasar nila. "Baka kasi girl din ang hinahanap mo" ang natatawang sabi ni Joan na umiiwas habang hinabol ko ng kurot sa tagiliran. "No way!" tigas na sabi ko "kung lalaki nga ayoko eh sa babae pa" sasagot sana si Jackie na natatawa na sa itsura ko nang biglang me nagsalita ng malakas sa likod namin. Si Kaye pala classmate din namin. Nagmamadaling pumunta sa grupo namin para lang ibalita na may mga bago kaming classmates sa first subject namin. Halatang excited habang nagsasalita ng malakas "Girls may mga bago tayong kaklase mamaya" ang malakas nitong sabi. "Oi ano ka ba teh sampung bundok ang pagitan natin ang lakas ng boses mo" naiiritang sabi ni Jackie. " Sorry naman teh excited lang kasi crush ko yung isa dun eh" ang halos hihimataying sabi ni Kaye. "Sino ba yan mga yan? Artista ba teh?" tanong ko na natatawa sa itsura ni Kaye. "No, pero parang ganun na din" nakangiting sabi ni Kaye. "Tara na nga pumasok na tayo. It's 9 am na din at nang makita nga yan mga bagong dating na yan" aya ni Joan.Biology ang first subject namin nang umagang yun. Iniisip ko kung sino ba ang mga bagong classmates namin. Sabagay konti lang naman kami sa section na 'to wala pang 25. "Sino kaya sila classmate?" tanong sa akin ni Mika isa sa kaklase ko. Sasagot sana ako pero nagsalita si Eman "Mga varsity daw. Mga volleyball players. Hindi ata nag swak ang practice at schedule ng mga subjects kaya nag adjust ang admin." Sabi nito na nakangiti at halatang excited. Bakit ba sila excited sa mga varsity na yan? Ano naman kung mga varsity players sila? So? Mataray kong sabi sa isip ko. Maya-maya dumating na ang lalaking Professor namin may mga kasabay na mga estudyante din mga naka T-shirt ng yellow at may design pa ng malaking name ng school namin. Eto na siguro sila. Naririnig kong naghahagikgikan ang mga kaklase ko parang mga bata na nakakita ng candy. Mukhang kakilala na nila ang Prof. namin at nakukuha nilang biruin 'to dahil nagtatawanan pa sila nun pumasok. Huminto lang sila nun makita nila kami. "Good morning class!" "Biology Right?" ang sabi ng Prof. "I'm Prof. Jay Ursua your Biology Professor" "You can take your seats now" senyas nya sa mga varsity players. Nag akyatan ang mga bagong dating. Parang hagdan ang pagkaka ayos ng room namin. sa first row mababa next row pataas hanggang 4th row. Sa likod sila since may mga nauna nang naka upo na sa harap. Pinili nila ang kabilang side. Left side actually kaya tanaw ko sila since nasa first row kami. Apat na babae at isang lalaki ang mga bago naming classmates. "Kilala nyo na ba sila?" Tanong ng Prof. Sir hindi pa ang malanding sabi ni Kaye. "Very well. Then introduce yourselves now before we start" ang natatawang sabi ni sir. " Good morning I'm Jean Robles 3rd year student. Marketing ang course ko. Volleyball player" nakangiti nitong pakilala sa sarili. Maganda si Jean. May dimples sa magkabilaang pisngi pag ngumingiti. Long black and shiny hair ang peg nito. Sumunod sa kanya ang medyo chubby at shoulder lenght hair na si Chie. Bungisngis ito walang ginawa kundi tumawa. Sumunod si Elsa, Sexy at medyo mahiyain palangiti din gaya nun dalawa. Magsasalita na sana yun isang babae nun unahan sya ni Migz. Nagtawanan sila Chie. Sumimangot yun naunahan. "Hello guys, my name is Miguel Pasco. But you can call me Migz for short. Marketing student 3rd year. Basketball player. Yun lang" nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa akin. "Hmph mayabang" sabi ko sa sarili ko. "Shane ikaw na!" ang natatawang sabi ni Chie habang nagnagbubungisngisan sila Elsa at Jean. "OMG! Shaine pala ang name nya" ang malakas na bulong ni kaye na ikinatawa ng buong klase. Napatingin si Shane sa kanya na natigilan. Halatang naiirita si Shane pero nagpipigil. "Hi my name is Shane Madrid" yun lang at naupo na 'to ni hindi man lang ngumiti. Maganda si Shane. Maputi sya na medyo mamula-mula ang skin. Makinis. Matangkad sya. Wavy ang hair nito na kumukulot sa dulo. Kahit nakasimangot lumalabas pa din ang dimples nito sa malasutla nitong magkabilaang pisngi. Para nga syang artista or model. Nadadala nya ang plain shirt na yun. Yun nga lang Miss sungit ang isang 'to. Buong isang oras na seryoso ni di man lang ngumiti gaya ng mga kasama nya. Pero maganda sya ang sabi ko sa sarili ko. Lalo na siguro kung nakangiti sya lalabas ang ganda nya. "Paulit-ulit na maganda sya?" sabi ng utak ko. Ano ba Brenda bakit ganyan ang iniisip mo? Ang naiinis kong sabi sa sarili ko. Tumayo na ako at sumabay na kina Jackie para sa next subject namin habang naglabasan na din ang mga bagong kaklase namin. Matangkad at slim nga sya. "hayan ka na naman ang sabi ng utak ko"
"Hoy girl? Ayaw mo ng food mo? Diet? Akin na lang?" ang nagtatakang tanong ni Jackie? "what's wrong girl? Kanina ka pa di kumikibo ha mukhang malalim ang iniisip mo" ang worried na tanong ni Joan. Tapos na pala sila kumain at nakatingin na lang sa akin nagtataka at di ko pa nagagalaw ang inorder ko na lunch. "Wala may iniisip lang ako" sabi ko. "Ano?" sabat ni Joan. Ngumiti lang ako at nagsimulang kumain. Walang imikan. Ramdam ko nakatingin sila sa akin. "So sino sa kanila ang gumugulo sa isip mo?" si Jackie. "Huh?" patay malisya kong sagot. Ano ba pinagsasabi nitong babaeng 'to? "Hay nakoh Brenda kilala kita!" sabi nitong nanlalaki ang mata. "Si Migz ba?" sabay sabi ni Joan. "Panay kaya ang tingin nya sa'yo kanina" ang may malisyang sabi nito. "Ewan ko di naman ako nakatingin sa kanya. Ubusin ko na 'to 'tas pasok na tayo" sabi ko na lang para tumigil na sila.
"Brenda telepono si Jackie may itatanong daw syang assignment nyo" ang sabi ni Papa habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko. "yes, Pa andyan na po" ang sabi ko. Katatapos lang namin mag dinner nila mama at papa at magreready na sana ako mag shower nang katukin ako ni Papa. "Hello Jackie" ang sabi ko. "May Problema ba at sa landline ka pa tumawag?" "hay nakoh girl alam ko di mo ako sasagutin kung text or call lang sa cp mo. So tell me Brenda... sino ang gumugulo sa isip mo kanina?" ang sunod-sunod nitong sabi. "ano ka ba? Wala ano." Iwas ko. "Lokohin mo lelang mo alam ko me iniisip ka. Hoy Brenda Torres kinder pa lang magkadikit na tayo kaya alam ko yang iniisip at ikinikilos mo!" ang medyo inis na nitong sabi. Oo nga naman kinder pa lang kami sanggang dikit na kami nitong babaeng 'to. Alam na namin ang gusto at di gusto ng bawat isa. Mata pa lang nag uusap na. "hay best..." sabay buntong hininga kong sabi " I think I'm confused... bakit ganun sya yun laman ng isip ko maghapon?" sabi ko. " So sino? OMG don't tell me kay Miss Sungit?" gulat na sabi nito. "Oo" sabi ko na lang. Para namang kinikilig na ewan yung nasa kabilang linya habang tumatawa "Sabi ko na eh" ang natatawa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)
RomancePaano kung ipinangako nya sa sarili nya na iiwasan nya muna ang ma-inlove para lamang makamit ang mga mga pangarap nya. Pero paano kung dumating na talaga ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Pipigilan ba nya ang nararamdaman nya o haharapin eto...