Ako nga pala si Brenda. Isang estudyante sa isang sikat na university dito sa Manila. I'm taking up Business Administration and my major is Marketing. 2rd year na ako. Ako ang bunso sa aming 5 magkakapatid (oh di ba ang sipag ng parents ko) Dito na kami nagkaisip sa Manila pero Taga La Union ang parents ko. Ang 2 sisters ko nasa America na pareho silang nagwowork dun. Ang nag iisang kuya ko engineer naman dito. Yun sinundan ko kakapasa lang ng board, nursing naman. You see medyo ngarag ako since mga successful ang mga kapatid ko. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na pagbubutihin ko para naman maipagmalaki din ako ng family ko. NBSB ako. Ano yun? No boyfriend since birth ang drama ko. Maganda naman ako sabi nila at ng mama ko. Hindi nga lang ako kaputian, in short morena ako. Kaya naman pag may naliligaw na bubuyog sa akin di ko pinapansin dahil naka concentrate lang ako sa studies ko. Kaya naman sa aming magbabarkada ako na lang ang laging nakakantyawan.
BINABASA MO ANG
InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)
RomansaPaano kung ipinangako nya sa sarili nya na iiwasan nya muna ang ma-inlove para lamang makamit ang mga mga pangarap nya. Pero paano kung dumating na talaga ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Pipigilan ba nya ang nararamdaman nya o haharapin eto...