Dito ngayon ang barkada sa isang sulok ng food court habang kumakain kami. Since maiingay ang mga kasama ko pinili namin yun malayo sa mga taong kumakain maya maingayan pa sila sa amin.
Pasimple akong siniko ni Jackie. Alam ko na kung ano tatanungin nito.
"so bestie ano na balak mo kay sungit?" mahinang sabi nito.
"balak?" balik na tanong ko naman sa kanya.
"oo balak. sasabihin mo ba sa kanya?" seryoso ba 'to?
"syempre hindi. ok ka lang" ok ba sya? bakit ko naman gagawin yun di ba?
"bahala ka" sabi naman nya habang masama ang tingin sa plato ko. Kaya dahan-dahan ko inilayo sa kanya ang pagkain ko. Hay naku kahit kailan talaga matakaw 'tong bestfriend ko.Dahil maaga pa naman, naisipan ng grupo na maglakad lakad muna sa mall bago umuwi. Busy sa kwentuhan at harutan ang grupo nang bigla na lang sumigaw si Kaye.
"Guys di ba sila Migz yun?" patalon-talon pa nyang sabi.
"ay oo nga sila yun" sigaw naman ni Jackie. Nasa bundok ba kami at kailangan talaga sumigaw?
Hindi pa nasiyahan ang bruha tinawag pa si "Shane! Migz! Hi!" sabay kaway. luh feeling close lang?
Nagulat naman dahil sa mga kasama ko na sumisigaw, pero kumaway naman sila Migz maliban sa isang masungit.
"Sus, kahit kailan talaga ang sungit" bulong na sabi ko pero narinig naman ni Jackie. Nginitian ako ng nakakaloko. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Hi guys! dito din pala kayo" si Migz na nasa harap na pala namin.
"Oo may binili lang kami na dyan sa bookstore" sabat ni Mika.
"Pauwi na nga kami naglakad lakad lang sinusulit yun free aircon dito hehehehe" pa cute na sabi ni Kaye.
Nag usap-usap pa sila ako at si sungit tahimik lang.
Paminsan-minsan ninanakawan ko ng tingin si sungit. Pero yun mabilis lang para di halata.
"naku Brenda ano ba nangyayari sa iyo? bakit nagkakaganyan ka? inis na sabi ko sa isip ko.
" may gusto nga kasi" sabi nun isip ko.
Habang busy ako nakikipagtalo sa sarili ko para naman nararamdaman ko na may naka tingin sa akin. Pag angat ko ng mukha ko sakto naman nakatingin si sungit sa akin. Ay hindi pala nakatingin. Nakatitig lang naman sya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.
Parang nawalan naman ako ng hangin at gusto ko ilabas lahat ng kinain ko kanina. Hindi ko maintindihan pero parang libo-libong paru-paro ang gustong kumawala sa tyan ko.
Lalo naman lumawak ang ngiti ng masungit na nilalang sa harapan ko.-------
sorry tagalog na tagalog. ang hirap pala.
BINABASA MO ANG
InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)
RomancePaano kung ipinangako nya sa sarili nya na iiwasan nya muna ang ma-inlove para lamang makamit ang mga mga pangarap nya. Pero paano kung dumating na talaga ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Pipigilan ba nya ang nararamdaman nya o haharapin eto...