Chapter 2 P.E.

920 23 0
                                    

Maaga ako gumising para magready na sa pagpasok. P.E. pala namin ngayon...last P.E. Sinusuklay ko na lang ang basang buhok ko bago bumaba para mag agahan. Jogging pants at polo shirt ang suot namin ngayon. Half day lang ang schedule namin kapag Tuesday and Thursday. Pagkatapos ko mag breakfast nagpaalam na ako kina Mama at Papa para pumasok. Habang nasa Lrt ako naisipan ko makinig muna ng mga songs sa cp ko pampalipas oras at antok. Nang me nag text. Pagtingin ko si Jackie: Brenda asan ka na? dito na kami sa gym. Ang aga naman nila sabi ko sa sarili ko. Maya-maya pa naglalakad na ako papunta sa gym. Hinahanap ko sila Jackie nang napansin ko me pinagkakaguluhan ang mga mga P.E. students. Nagkukumpulan sila. May pinapanuod. Nang may humila sa mga kamay ko. Si Jackie "girl dito! Tara dito tayo" sigaw nito habang tumatakbo at hila-hila ako. Magsasalita sana ako pero inunahan na ako "ayan! Sige na tingin ka na bilis" sabay tulak sa lalaking nasa harap namin. "excuse me! Excuse me! Sigaw nito habang pilit na nakikisiksik sa mga nag uusyoso. "Girl oh" nakangiti nyang turo sa akin. Sinundan ko ng tingin yun tinuturo nya at nagulat ako kung sino yun. Si Shane at mga kasama nya nagwawarm up para sa volleyball practice nila. Napalunok ako nun makita ko si Shane. Ang tangkad nga nya. Ang haba ng mga binti nya. Bagay na bagay ang suot nyang shorts. Ang sexy ng Miss Sungit na'to. Ang ganda ng katawan nya well toned. Kahit pawis na mukhang ang bango bango pa rin nya. Nang bigla na lang sya humarap at tumingin sa amin... ngumiti. OMG nag smile sya! Bakit parang bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko? Nang bigla na lang may nagsalita sa harap namin "magsibalik na kayo sa mga P.E. class nyo! Masyado kayo maingay! Ginugulo nyo ang praktis nila!" singhal ng lady guard sa mga maiingay."Ehem!" ang malakas na tikhim ni Jackie. Nakaupo na kami inaantay na lang namin yun Prof. "Ano walang kibo?" Magsasalita sana ako pero nagdatingan na yun iba at kasunod nila yun Prof. Wala ako naintindihan sa mga lecture nya. Lutang ako lutang... dahil sa ngiti nyang yun? Shit sabi ko sa sarili ko " di pwede yan" "hindi pwede kasi pareho kayo"After ng last subject nagkayayaan kami na magpunta ng Gateway mall. May bibilhin pa daw si Joan na gamit nya. Magkita kita na lang sa may gate since magpapalit pa kami ng damit ni Jackie. Pababa na kami nang makasalubong namin si Jean. Bagong ligo sya, siguro tapos na din practice nila. "Hi! Biology right?" sabi nito habang nakangiti sa amin. "Hi!" sabay naming bati ni Jackie. "See you tomorrow may klase pa ako" sabay kaway sa amin. Maya-maya pa sunod na din nag akyatan sila Migz, Elsa, Chie at Shane. Si Migz huminto at nakipag usap pa sa kanila. Si Chie at Elsa nag "Hi" lang at pumasok na sa room. Si Shane derecho lang ang tingin sabay pasok sa room. "Shane wait" tawag ni Migz sabay habol kay Shane! Bumaba na din sila ni Jackie walang imikan!

InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon