Kinagabihan, after ng dinner nagpaalam na ako kina papa na matutulog na ako. Ramdam ko ang pagod sa maghapon namin paglalakad sa mall.
Andito ako nakahiga pero di naman dalawin ng antok.
flashback
"Brenda ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Jackie. kanina pa pala nila ako tinatawag pero di ko naririnig dahil nabibingi ako sa mala tambol na tibok ng puso ko.
"Ha? o - ok naman bestie" shit nauutal ako
"ang pula mo kasi tapos di ka na gumagalaw dyan"
masakit ba tyan mo? uwi na tayo baka dito mo pa ilabas yan" ano daw?
"hawak-hawak mo kasi yan tyan mo" ay oo nga pala hawak ko kasi parang nakikiliti nga ako di ba.
"oh asan na sila?" takang tanong ko habang nililibot ko ng tingin ang mall.
"naman Brenda, kanina pa sila umalis. nag uwian na. natulala ka na kasi dyan kala ko nga natutulog ka nang nakatayo eh"
"ganun?" oo ganun nga.
"nga pala may pinabibigay si Shane" inabot naman ni Jackie ang kapirasong papel sa kanya.
Nagtataka naman sya kung ano yun.
"basahin mo daw" natatawang sabi ni Jackie.
Nagtataka man, dahan-dahan ko naman binuklat mula sa pagkakatupi ang papel at binasa ko yun.
KAMATIS. kamatis? tapos may smiley face? ano yun?
sabay abot ni Jackie ng gamit nyang mirror at tinapat sa mukha ko.end of flashback
Nakakahiya. Nakakainis. Nakakaasar. Halo-halong nararamdaman nya kanina. Bakit ba ako nagkakaganun pag kaharap ko sya? Hindi pwede. Ayoko.
Ano ba Shane unang kita pa lang bakit ang lakas na ng epekto mo sa akin.
Hindi kaya? Oh no! Baka nga tama si Jackie. May gusto na nga ako sayo miss sungit!------
tsk sorry kung medyo lame ng update :-)
BINABASA MO ANG
InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)
RomancePaano kung ipinangako nya sa sarili nya na iiwasan nya muna ang ma-inlove para lamang makamit ang mga mga pangarap nya. Pero paano kung dumating na talaga ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Pipigilan ba nya ang nararamdaman nya o haharapin eto...