Chapter 5. Tsokolate

865 23 0
                                    

As promised. Sorry late nga lang po.
------------------------------------------------------------------------------

Andito ako ngayon sa bahay. Wala naman naisipan ko lang umuwi ng maaga. Well actually, two weeks na ako laging umuuwi ng maaga. Pagkatapos ng last subject ay nagmamadali na ako umuwi. Marahil nagtataka na rin sila Jackie sa ikinikilos ko. Pero kailangn ko kasing umiwas sa taong sa umpisa pa lang ay nagpapagulo na ng isipan ko.

Kanina pa tumatawag si Jackie, pero di ko sinasagot. Nagsawa na mag text kaya ngayon puro tawag na. Mamaya ko na lang sya kakausapin. Alam ko naman na kung ano sasabihin nya. Ayoko lang muna pag usapan at lalong nagugulo ang isip ko.

Naisipan ko na lang mag bukas ng fb. Like dito like doon. Share dito share doon. Boring na talaga. Nakatitig lang ako sa screen at sa di malamang dahilan kusang gumalaw ang mga daliri ko at nag type sa search box... Shane Madrid.

Nakatitig lang ako sa screen nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jackie. Nag aalangan pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Bandang huli sinagot ko na din. Huminga ako ng malalim bago ko ako sumagot.

"hello Ja....." agad naman nitong pinutol ang sasabihin ko at pautos na nagsalita.

"hoy babae, buksan mo tong gate nyo! ngayon na!' sabay patay ng cp nya.

Wala na ako nagawa kung di lumabas ng kwarto at derecho sa gate para pagbuksan ang mahal na reyna.

"babae, mag usap nga tayo" taas kilay pa nitong sabi.
"ano naman pag uusapan natin?"
"yun mga eksena mo nitong mga nakaraang araw"
"bakit ka umiiwas sa amin?"
"may ginawa ba kami sa'yo?"
"mag salita ka naman Brenda????"
sunod-sunod lang naman nyang tanong.

"kalma ka nga best"

"isa-isa lang mahina kalaban" taas kamay ko sabi habang naka sunod sa kanya na pumasok na sa bahay at derecho pumunta sa room ko... ay hindi dumaan pa ng kusina at sumilip sa ref. kumuha ng softdrink in can at naghalungkat ng chips sa cabinet. Wow kabisado nya ah.

"explain!" bossy na utos nya. Habang naka upo sa gilid ng kama at matamang nakatingin sa akin.

"ang alin best?" palusot ko.

"Brenda!" sigaw nito habang nakataas ang kaliwang kilay.

"wala na ako lusot dito" sabi ng isip ko.

"ok, di naman kayo ang iniiwasan ko best" mahina kong sabi.

"eh sino nga?" tanong ni Jackie.

"best, alam ko naman na alam mo kung sino" kalmado kong balik sa kanya.

"bakit mo ba kasi iniiwasan?"
"alam mo ba na tinatanong ka nya?"
"sa tingin ko gusto ka din nya" sabi nito habang ngumunguya ng chips at may ngiting nakakaloko.

"si sungit may gusto sa akin?" di makapaniwalang tanong ko dito sa babaeng makalat kumain.

"Brenda, yun ay sa tingin ko lang naman kaya wag ka assuming dyan" nakakalokong sagot nito.

"alam ko naman Jackie"
"di magkaka gusto sa akin yun masungit na yun."
"di kami pwede."
"pareho kami!"
Pareho kayong babae di talaga kayo pwede, sabi ng utak ko. Parang nalungkot naman ako bigla. Parang ang sakit.

Namalayan ko na lang na may nakatutok na bagay sa may mukha ko.

"Oh pinapabigay ni sungit" habang inaabot sa mukha ko ang kung anuman yun.

"ano to?" matamlay kong tanong

"chocolates" tipid nitong sabi

"bakit?" luh! bakit naman nya ako bibigyan nito?

"kukunin mo ba o kakainin ko na lang?" naiinip na sabi nitong kaibigan ko.

"huwag ka nga assuming kasi lahat kami binigyan nya kanina"
"ikaw kasi bigla ka na lang nawawala"
"mag thank you ka na lang sa kanya ha para alam nya na nakarating ng buo yan sa'yo" naka ngiting sabi nito.

"at pwede ba huwag ka na umiwas" sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

Naka uwi na si Jackie pero nakatitig pa din ako sa chocolates na bigay ni sungit.

"ganda naman ng ngiti mo anak" sabay kuha ni daddy sa chocolate na kanina lang tinititigan ko.

"pahingi naman nito anak, tagal magluto ng mommy mo nagugutom na ako" sabay subo habang papalabas ng room ko.

"Daddy naman eh" halos maluha luha kong sabi.

----------------------------
Hmmmm.... chocolates

sorry po now lang nakapag ud. nabura ayaw ni watty yun ud ko. joke!

InLove Ako Sa'yo Miss Sungit (A girl to girl love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon