Drunk

89 6 0
                                    


Freen's POV



Kasalukuyan akong umiinom ngayon dito sa bar na pagmamay-ari ni ate Tina at ate Faye.

Nasa mini bar lang ako at nakikitanaw sa mga taong nakikikanta sa bandang nasa isang maliit lang na entablado.

May dance floor rin ito pero sa ngayon wala pang sumasayaw dahil maaga pa naman.

Di nila alam na dito ako pumupunta pagkagaling ko sa bahay ni Becky.

Syempre may tip palagi sa akin tong bartender nila para di ako isumbong nito. Masyadong loyal sa boss niya ito eh.

Nakatunganga ako at nakatitig na ngayon sa bote ng alak na hawak ko at naalala ang nangyari kanina. Isang buntonghinga ang pinakawalan ko at napapailing.

Bigo man ako parati na bumalik siya sa akin sa ngayon, hindi pa rin ako susuko.Di ko siya iiwan kahit ipagtabuyan niya ako parati.

Walang iwanan sa pamilyang ito.Nasa pangatlong bote na ako ng iniinom kung smirnoff ng biglang maramdaman kong may umupo at tumabi sa akin.

Di ko lang pinansin dahil wala naman akong paki. Ng bigla itong magsalita.


---"Ang agang inuman naman yan buddy." sabi ng taong nasa tabi ko saka kinuha sa aking kamay ang bote na hawak ko sabay tungga nito rito.My body froze at napakunot ang noo ko as I recognize her.


Shit!


----"A-ate?! " I exclaimed. Muntik pa niyang mabitawan ang bote na hawak niya dahil bigla akong tumayo at humarap sa kanya.


---"Akala mo siguro di ko malalaman na umiinom ka na naman palagi rito noh?" tanong niyang naka smirk pa sa akin.


Nilingon ko ang barista niya na busy sa pagseserve ng mga drinks sa customer, isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kanya ng magtama ang aming mga mata.He mouthed "sorry".

Alam na niya kasalanan niya sa akin dahil nagsorry agad eh.Tsssss.. Bwesit...


---"Anong ginagawa nyo po rito?" balik tanong ko sa kausap ko, si Ate Tina.


Matalim na titig ang ipinukol niya rin sa akin.


---"Syempre bar ko to baka nakakalimutan mo.!"sarcastic na sagot niya sa tanong ko.


Tsssss....


---" Bakit ka umiinom ng ganito kaaga rito huh?!" takang tanong niya sa akin.


---" Wala. Gusto ko lang. "malumanay na sagot ko at umupo ulit saka tinungga ang panibagong bote na sinerve ni Billy sa akin.


---" Gusto mong sabihin ko kay Faye na andito ka sa bar at naglalasing ng ganito kaaga? "pambabanta niya sa akin.


Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya yun.Umiling ako na kinatawa naman niya. Pinagtitripan ata ako ng babaeng to, ani ko sa isip ko.


HEAVEN KNOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon