Chapter 2: Kiss

169 7 3
                                    

Bakit kasama niya si Alexa??

Bakit kasama niya yung ex girlfriend niya? Parang biglang nadurog yung puso ko. Kasi tumatawa si Drew. At never ko pa siyang nakikitang ganyan kasaya pag kasama ako.

Pero baka nagkakamali lang ako.. Baka nagpapatulong lang siya para sa surprise niya sakin..

Pero bakit sa lahat ng hihingan ng tulong bakit EX niya pa?!

Tsk. Ano ka ba Ayesha, you trust him right? He loves you... Napaisip ako bigla, does he?

Nakita ko silang patayo na. They look like really having fun..

Palabas na sila. Dapat di nila ko makita dito! Pero di ako makaalis. Parang nakaglue yung paa ko sa sahig.

 "A-Ayesha..?" Narinig kong tawag ni Drew sakin.

Andun sila sa may pinto, nakita nila ko. Napatingin ako sa kanila, pero nagulat ako, magkahawak sila ng kamay.

Anong ibig sabihin nito? Mali naman siguro yung iniisip ko diba?

 "D-Drew.. B-bakit kayo magkasama?" mahinahon kong tanong.

 "Ayesha, sorry." sabi niya.

"Sorry? for what? For being late sa date natin? It's ok babe. I understand. Nagpapatulong ka lang siguro sa kanya para sa regalo mo sakin diba?" sabi ko.

Iniwas niya lang ang tingin niya sakin. "Sorry.."

 "Puro ka sorry! Ano ba to?! Di kita maintindihan Drew!"

Napalakas na yung pagkakasabi ko. Marami nang nagtitinginan samin. 

"Alexa, mauna ka nang umuwi. Ayokong madamay ka sa gulo namin." sabi niya sa EX niya.

 "Gulo?! Anong gulo? Siya ang nanggugulo!" Sabat ko sa kanya.

Nanlalabo na yung mata ko dahil sa mga luhang namumuo. Wag kang tutulo, please. 

"Ayoko na Ayesha. Let's end this."

"..."

"Ayoko na Ayesha. Let's end this." Paulet ulet sa utak ko yung mga sinabi niya. At tuluyan nang bumagsak yung pinipigilan kong luha.

Nagsimula na silang maglakad palayo

 "No.."

 Ayoko.. Hinabol ko sila. Pinagtitinginan na ko ng mga tao. Wala akong pake. Nang mahabol ko sila, hinawakan ko yung kamay niya.

"Drew please. Pagusapan natin to. Anong nangyare satin? Please tell me the truth. Youre just joking right? Please..." Nagmamakawa kong sinabi sa kanya. Ayoko siyang mawala :'(

 "Im not joking. Sorry. I dont love you . Tigilan mo na ko. Tigilan mo na kami. You want the truth right? There, sinabi ko na."

Kami? Napatingin ako kay Alexa.

"YOU! Btch! Inagaw mo sakin ang boyfriend ko! Inagaw mo sakin si Drew!" Sinugod ko siya at sinampal.

 "Ayesha! Stop it!" Hinila ako ni Drew palayo sa malanding yun at tinulak ako.

 Napasubsob ako sa sahig..

"Tama na! Hindi niya ko inagaw sayo! Sa kanya ako simula palang! Si Alexa ang mahal ko all this time! Hindi kita minahal Ayesha! Ok na ba yang paliwanag sayo?! Pagod na kong magpakitang tao sayo!"

 No. Hindi yan yung totoo. Hindi yan yung Drew na nakilala ko. Nagsisinungaling siya. Tuloy parin sa pag agos yung luha ko.

Umalis na sila. Umalis na siya. Kasama yung ex niya.

My Contract Boyfriend (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon