Dedicated sa isa ko pang lil sis na nagpapa.UD na sakin. hihi. Thank you :*
Hope you like it guys! ♥
***
Oh My G! Yung lalake sa bar! Yung hinalikan ako! Este yung nahalikan ko! Schoolmate ko! Hindi lang yun, classmate ko pa. But worst, seatmate ko pa! Gosh. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya! Nakakahiya yung ginawa ko!
But, nagresponse din naman siya sa kiss ko aa? Waaaah! Erase erase erase! Ano ba tong sinasabi ko?! >_<
Simula hanggang matapos yung class namin, nakatalikod lang ako sa kanya. Spell awkward, K-A-M-I! Argh! Bat pa kasi kami kelangan ulet magkita?! Hay. Siguro naman wala nang mas lalalang mangyayare ngayon.
Lunch break na! After ng almost 4 hours na katabi ko yung lalaking yun, dahil puro seating arrangement yung mga prof! Puro alphabetical amp! Ano kayang surname neto at palagi kaming magkatabi? Hay. >_<
Paglingon ko sa kanya, natutulog pala yung mokong. Di ko mapigilang di siya titigan. Ang gwapo niya pala? Ang tangos ng ilong, mahaba yung pilik mata. Mukha siyang KPop. Hmm. Parang may kamukha nga siya... Yung pinapanuod ata ni Marie dati sa MYX? Pero parang impossible. For sure, mas gwapo naman yun! HAHAHA.
"Hoy baka matunaw!"
"Ay palaka!" gulat ko. Biglang nalang kasi may sumagaw sa likod ko! Paglingon ko si Jean lang pala.
"Baliw kayo. Tara lunch na tayo, naghihintan na sina Tristan sa canteen." sabi ko sa kanila.
"Kasabay pala natin si Fafa Tristan?!" tanong ni Jean.
"Paulet ulet? Tara na." yaya ko sa kanila.
Lumabas na kami ng classroom. Pinabayaan ko nang tulog si Mr. Kiss. Haha. Di ko alam pangalan ee!
"Mukhang marami kang utang na kwento samin aa?" tanong ni Marie.
"Huh? Anong kwento? Yung kay Drew? Mamaya nalang." sagot ko. Hay Drew. Naalala ko nanaman siya. :(
"Shunga kulang pa. Magkakilala ba kayo nung gwapings na bago nating classmate?" Jean.
"Wag mo kong iiwan ha."
"Wag mo kong iiwan ha."
"Wag mo kong iiwan ha."
Waaaaah. Paulet ulet sa utak ko yung kabaliwang sinabi ko kay Mr. Kiss nung isang gabi?! Bat ko ba kasi sinabi yun?! >_<
"ARAY!" biglang may bumatok sakin.
"Lumilipad nanaman isip mo! Iniisip mo nanaman yung fafable na seatmate mo no?" Jean.
"Hindi aa!"
"So magkakilala nga kayo?" Marie.
"A-ah eh. H-hind kaya! Kanina lang kami nagkita." pagsisinungaling ko naman.
"You're not good at lying girl. Spill it out." Marie. OMG. Ano to, hot seat?!
"Oh, ayun pala sina Tristan at Ella! Tara dali!" Pag-iiba ko ng topic at tumakbo na sa table nina Tristan. Wew. Nakatakas. >_<
"Hey!" bati ko sa kanila.
"Hi Yesh." bati ni Ella sakin. At nginitian lang ako ni Tristan.
"Bat mo kailangan tumakbo?!" sabi ni Marie.
"Ah, wala lang, jogging. ehehe." sabi ko.
Umupo na kami. Ako sa tabi ni Tristan tas yung dalawa sa tabi ko.
"Oo nga pala Yesh, kasabay natin yung couz ko na maglunch ha." sabi ni Ella sakin.
"Oooooh. Lalake ba yung pinsan mo Ella?!" hyper na tanong ni Jean.
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend (On Hold)
Teen FictionRule #5 You are not allowed to fall inlove with each other. We made a contract kung saan magiging boyfriend ko siya for 2 months or hanggang magwork yung plano namin. Ang plano? Maibalik samin yung mga EX namin. Pero bawal ako mainlove sa kanya. Per...