Chapter 5: Anong nangyare sa ating dalawa?

142 7 8
                                    

I would like to dedicate this sa kanya. For making me a uber cute cover and sa pagccritic niya sa story ko! ♥ Thank you po uleeet! :*

Enjoy reading! ♥

---

Pauwi na kami ng bahay nang napadaan kami sa bahay nina Drew. At natigilan kami nang biglang bumukas yung gate.

"Drew..."

Palabas si Drew ng bahay lalapit sana ako pero natigilan ako nang kasunod niya pala si Alexa.

Lalapit na sana ako nang bigla akong hinila ni Tristan papunta sa likod ng van na nakapark doon para magtago. Hindi pa naman kami napapansin nina Drew.

Nakatingin lang ako sa baba. Doon ba natulog si Alexa sa kanila? Nung kami pa ba, may ganito na rin pangyayare? Di ko mapigilang isipin.

Sinilip ata ni Tristan kung nakalayo na sila.

"Hey, uwi na tayo?" tanong sakin ni Tristan nung nakasiguradong malayo na sila. Tinignan ko siya and gave him a weak smile then I nodded.

Tahimik kaming naglalakad hanggang makarating sa bahay. Ayaw na din siguro magtanong ni Tristan hangga't di pa kami nakakauwi.

Dumiretso na kami sa kwarto para dun magusap. Agad akong humiga sa kama ko at umupo sa tabi ko si Tristan. Sandaling nabalot ng katahimikan kaming dalawa.

"Kelan pa yan? Yung sa kanila?" biglang tanong ni Tan sakin.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang sila nung anniversary namin sa mall. Kung minalas malas no? Saktong anniversary pa namin ko sila nahuli." sabi ko sabay tumulo na din yung mga luha ko.

Bumangon ako para humarap kay Tristan then I gave him a fake smile. "Sabi niya, di niya daw talaga ako minahal. Si Alexa daw talaga mahal niya all this time. Pinaglaruan niya lang ako. Everything about us was just a big joke para sa kanya. Pakitang tao lang daw lahat. Ang sakit sakit ee!"

Humagulgol ako at niyakap ako ni Tristan. Nailabas ko na lahat ng kanina ko pang pinipigilang iyak.

"Ang hirap kasi paniwalaan ee. Akala ko siya na. Dahil sa kanya, I changed. Tan, i wont give him up. Gagawa ako ng paraan para maibalik siya." Sabi ko sa gitna ng bawat hikbi ko.

"Yesh naman, alam kong masakit yan. Pero wag mong ipagsisikan yung sarili mo sa kanya. Tinulak na niya palayo. Masasaktan ka lang lalo." sabi sakin ni tristan. Umalis ako sa pagkakayakap niya. Nasaktan ako sa sinabi niya.

"Alam mo namang mahal ko yun ee. Diba dapat susuportahan mo ko kasi pinaglalaban ko yung mahal ko?!" Tanong ko.

"Talaga naman dapat mong ipaglaban, KUNG may ipaglalaban ka pa. Pero wala na ee. Sa kanya mo na mismo narinig diba? HINDI ka niya mahal ee. Si Alexa." Lalong umagos yung luha ko sa sinabi niya.

"Pero Tristan..." angal ko sa kanya.

"Hay nako Ayesha. Kung gaano ka katalino sa subjects natin, ganun ka din ba magiging katanga sa kanya?" ouch. Tanga na kung tanga.

"Tanga na kung tanga. Ee mahal ko siya ee." Sagot ko.

"OUCH!" Sigaw ko. Bigla ba naman akong binatukan!

"Kulang pa nga yan ee! Im not telling you this para masaktan ka, sinasabi ko lang yan para magising ka sa katotohanan. Eto ang tatandaan mo Yesh, kakambal ng pagmamahal ang pagpapakatanga. Pero lahat ng bagay may hangganan. And siguro, sabi ni destiny, hanggang dito nalang daw kayo."

May point siya dun. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang bitiwan yung taong minahal ko ng sobra? Napabuntong hininga nalang ako.

"Kaya mo yan. Nandito naman kaming mga kaibigan mo ee. Susuportahan ka namin ok?" tumango nalang ako. Pinunasan niya yung luha ko.

My Contract Boyfriend (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon