Chapter 4: With My Bestfriend

164 6 1
                                    

I dedicate this sa kanya sa pagbigay ng first super critic sa story ko. Yiii. Thank You po ulet! ^o^

~>Picture ni Tristan sa side :) ♥

***

Ayesha's POV

 "Kroo kroo kroo. Someone's calling! Kroo kroo kroo.. Someone's calling!"

Argh. Ang aga namang tawag yan. Dinedma ko yung call. Maya maya tumigil na.

Maya maya, nagring nanaman. Kinapa ko yung cellphone ko sa desk sa tabi ng kama ko. Wala.

Bumangon ako para hanapin. Ouch. Ansakit ng ulo ko. Hangover? T^T

Teka, pano ko nakarating dito sa bahay?? O_O

"Kroo kroo kroo. Someone's calling! Kroo kroo kroo.. Someone's calling!"

Ayan nanaman yung cellphone ko. Nasa bag ko ata.

"Hello?"

 "Good Morning!" Bati sakin ni Tristan.

 "Good Morning din. Ang aga aga napatawag ka?" Akala ko naman kung sino. Akala ko si..

 "Wala lang. Kukumustahin lang kita. Masakit ulo mo noh?!"

 "Oo eh- eh?! Teka pano mo nalaman?"

"Hay nako. Wala kang matandaan kahapon? Mga kabaliwan mong ginawa?"

Kabaliwan? Pero ang naalala ko...

 "Si Alexa ang mahal ko all this time! Hindi kita minahal Ayesha! Ok na ba yang paliwanag sayo?! Pagod na kong magpakitang tao sayo!" 

 Naalala yung mga huling sinabi sakin ni Drew. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Pinipigilan ko yung hikbi ko kasi ayokong marinig ako ni Tristan.

 "Hey.. Umiiyak ka nanaman noh..." napangiti ako. Bestfriend ko talaga to. Kahit malayo, alam na alam yung nangyayare sakin.

"Ang sakit sakit kasi Tristan ee. Akala ko kasi siya na yung una at huli. Niloko niya lang pala ako." Sabi ko sa kanya sa gitna ng hikbi ko.

"Shh. Tama na yang iyak mo. Andito ko sa baba. Bangon na."

Baba? Napatayo ako bigla at lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba andun nga si Tristan. Nakita niya ako. Ngumiti siya at kinawayan ako.

Tumakbo ako pababa at niyakap siya at humagulgol nanaman ako sa kanya.

Nilayo niya ako sa pagkakayakap, at pinunasan ang luha ko with his thumb.

 "Tsk tsk. Ang aga aga maga na mata ng prinsesa ko. Why dont you change and lets eat breakfast together?" sabi niya sakin.

 "Wala akong ganang kumain.." Sino ba naman magakakagana?

 "Dalian mo na, at baka gusto mong ako pa magpaligo sayo?" he said while smirking.

Nanlaki yung mata ko, kasi i know he means it. At muntik niya nang ginawa yun, ang paliguan ako nung mga bata pa kami! NO WAY! O.O

 "Opo na po. Maliligo na!" Sabay takbo sa kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, pumunta kami ng mcdo para mag breakfast. Syempre pancake for me. My favorite. ^o^

As usal, pinagtitinginan nanaman kami. Ang gwapo ba naman kasi ng kasama ko?! Bat ba kasi nagkabestfriend ako ng sobrang hot at sobrang cute!!

"Omg, ang cute cute niya oh!"

"Girlfriend niya kaya yun?"

"Ang swerte naman niya!"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko. Pero talagang swerte ako pagdating sa besfriend kong yan. Pero, sa tingin ko hindi pagdating sa pag-ibig

"Huy! Wala ka nanaman sa sarili mo." sabi niya sakin.

"Di ko mapigilan ee. Tantan, hindi niya daw ako mahal, di niya daw ako minahal.." sabi ko ng mahina. At nagsisimula nanaman yung mga luha ko.

"Hoy hoy. Wag mong subukang umiyak. Baka isipin nila pinapaiyak kita!" sabi niya sabay punas sa nangingilid kong luha. Napabuntong hininga nalang ako >_<

"Mamaya na natin pag-usapan yan ok?" Siya. I nodded.

"Pero naaalala mo pa ba mga nangyare sa club kagabi?" tanong niya.

"Hmm. Hindi ee. Ano nga ba?" Sabay subo sa slice ng pancake ko. Yum!! ^o^

"Tss. Sa susunod kasi kung iinom ka, magyayaya ka. Kung anu ano na nangyayare sayo pag magisa ka ee." sabi niya habang umiiling.

"Ee ano bang nangyare sakin kagabi? wala talaga akong maalala ee." Sabay kuha sa pineapple juice ko at uminom.

"Hayy. Naabutan lang naman po kitang may kahalikan na stranger."

kahalikan lang pa- *loading....*

*Bpoooosh* "WHAT?! ANONG KAHALIKAN?!" sigaw ko at nabuga ko yung iniinom kong juice. Buti nalang wala akong kaharap. Nakatingin na samin yung mga tao dahil sa pagsigaw ko. O_O

"Eww." Ang arte naman neto. "Lower your voice! Nakakahiya ka! Baliw ka." sabi niya.

Ano bang nangyare kagabi?? Isip isip..

*flash back*

"D-Drew.." I hugged him, at humagulgol sa kanya.

"Wag mo na kong iwan ulet ha.." sabi ko sa kanya.

"I wont" sabi niya.

Then I kissed him. And he's kissng me back. 

*End of Flash back*

O_O Kiss?! What the hell! He kissed me! No! I kissed him!

"Oh my gosh.." yan lang nasabi ko. At napahawak ako sa labi ko

"Hahahaha. You look funny! Hahahaha" Ang sama nito, pinagtatawanan ako. Tss,

"Nothings funny!! That was my first kiss!"

Yeah. That was my first. Kahit nakakaisang taon na kami ni Drew, we never kissed. Hanggang cheeks lang. Hindi naman sa ayaw ko or what. Parang sabi niya respect nalang daw niya sakin yun.

Respect? Pero sobra pa nga yung pang babastos niya sa feelings ko sa ginawa niya!

Pero fck! Someone stole my first kiss! No I gave my first kiss to a stranger!  Nooo! T^T

"Hahahahaha. If only you coud see your face!" Tan

"Stop it na!!" Sabi ko tapos nag pout ako. Pacute sa kanya para tumigil na.

Lumapit siya sakin, at hinug ako. >///< Andami nanaman nakatingin samin.

"Tss. Alam ko naman best na kulang pa tong ginagawa ko para mabawasan man lang yang lungkot at sakit sa puso mo ee. Andito lang ako best ha."

"Baliw ka. Akala ko ba mamaya pa dramahan. Atsaka baka pag nakita tayo ni Ella niyan magselos pa yun." kumalas ako sa pagyakap niya at binigyan ko siya ng weak smile.

"Hindi no, may tiwala satin si Ella! Ubusin mo na yan. Balik tayo sa inyo at ituloy ang kadramahan mo." Siya at nginitian ako. ^o^

Kaya mahal ko yan ee. Kahit binusted ko yan dati, anjan parin palagi. :)

Inubos na namin pagkain namin at naglakad pauwi. Malapit lang naman samin yung mcdo ee. Tsaka exercise na din. :)

Habang naglalakad, nalala ko, madadaanan pala namin yung bahay nina Drew bago makarating samin.. Hay.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang makarating kami sa tapat nina Drew. Natigilan ako sa paglalakad nang biglang bumukas yung gate..

"Drew..."

Palabas si Drew, lalapit sana ako pero nnatigilan ako nang kasunod niya pala si Alexa.

***

Yey! Naka 4 chaps na din ♥ Sorry sa wrong grammar or spelling. Antok na ee. Vote and comment please? ^o^

-AremLove

My Contract Boyfriend (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon