Prologue

21 2 0
                                    

Ang boring naman ng buhay ko, kailan ba ito sasaya?



Napabuntong-hininga na lang si Belle habang nakatitig sa labas ng bintana ng classroom nila.



Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, kailan ba kita makikita, Larkin? Hayst! I miss your tan skin, your sweet smile. So good to me, so right---



Naputol ang pagmumuni niya nang biglang dumating ang kaibigan niyang si Medea. "Hindi ka magkakaroon ng pera sa ganiyan, Belle."



"Istorbo ka naman.."



Umupo ito sa tabi niya at sumilip rin sa labas ng bintana. "Sino bang hinihintay mo diyan?"



"E, sino pa nga ba?" Napatalon sa gulat si Belle nang may magdikit ng malamig na bagay sa pisngi niya. Lumingon siya at sinamaan ng tingin si Althea bago kinuha ang pinabili niyang milktea. "Isa lang naman ang kinababaliwan niyan!" Inismiran na lang niya ito at binuksan ang inumin niya.



Lunch time ngayon pero hindi sumama si Belle para kumain ng lunch, wala kasi siyang gana kaya nagpabili na lang siya ng inumin kay Althea na papunta pa lang sa school nila. At saka magmumukha na naman siyang thirdwheel sa mag-jowang sina Medea at Rogan.



"Mm!" Nanlaki ang mga mata ni Belle nang makita ang isang pamilyar na pigura. "It's him!" Ibinaba niya ang iniinom niya at nagpahalumbaba sa may bintana habang sinusundan ng tingin si Larkin. Kasama nito ang dalawang kaibigan at mukhang patungo sila ngayon sa Gym para mag-practice. Ha! Kung wala lang kaming klase mamaya, manonood talaga ako.



"Ang pogi niya talaga..."



Nagkatingin ang dalawa sa gilid ni Belle at napailing-iling na lang.



"Natamaan na talaga..." Bulong ni Medea bago lumipat ng upuan.



Larkin Keon Delavin is a tall, handsome, and talented young man. He's a senior high school student on the verge of graduating. As an athlete, many admire him, including Belle.  He excels in playing instruments like the piano and drums. Ang galing niya rin kumanta at sobrang talino pa. Full package na, so saan ka pa?



Kaagad na napakaway si Belle nang lumingon si Larkin sa direksiyon niya o kung doon nga ba..



Umiwas naman kaagad si Larkin at muling nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya.



Napasimangot na lang si Belle nang mawala na sa paningin niya si Larkin. Di bale, makikita ko pa naman siya mamaya.



Umayos na ng upo si Belle at inubos na ang milktea niya. Hindi na lang niya pinansin ang tingin ng dalawa sa kaniya.



Kailan niya kaya ako mapapansin? Hindi pa ba sapat ang pagpapapansin ko sa kaniya dito sa campus? Larkin, bakit ang pogi mo kasi? Kasalanan mo 'to, hmm!



"You will have a group project to be pass on November 25. Groupings will be based on your last name." At magkakasama na naman silang tatlo. "No extension of the deadline, so work as a group. Kapag may hindi tumulong, isulat niyo parin yung pangalan pero lagyan niyo ng 'walang ambag o kaya walang kwenta' ako ng bahala sa grades nila. Do you guys understand?"



"Yes, Sir!"



"Very well, see you around. Goodbye, class!" At lumabas na siya sa classroom nila.



Napalingon si Belle sa dalawa. "Nakakasawa na kayong ka-group."



"Sinong hindi magsasawa, ang tatamad niyong ka-group." Ani Medea.



Closer to YouWhere stories live. Discover now