Chapter 10 - Will you be my Girlfriend?

18 2 0
                                    

BELLE


1 month later...


Today is a special day, bakit special? Kasi birthday ko. Joke! Moving up lang naman namin at super excited na ako. Bukas na rin ang Graduation nila Larkin, hindi nga ako makapag-isip kung ano ang ibibigay ko sa kaniya.


Sa nakalipas na isang buwan masasabi ko naman na masaya ako. Palagi ko ng kasama si Larkin, nakakausap ko na siya, nakikita ko na ng malapitan ang ngiti niya, at naririnig ang mga tawa niya.


Sinipat ko ang sarili sa harap ng salamin habang suot ang dress na binili namin ni Mama.


"Sabelle! Anong oras na, hindi ka pa ba tapos diyan?" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas.


"Mama naman, maaga pa e." Bulong ko at nag-spray na ng pabango.


"Sabelle!" Muling tawag ni Mama.


"Palabas na po!" Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kuwarto.


"Hay nako! Ma-la-late na tayo." Sumunod na lang ako sa kaniya nang lumabas na siya. Sumakay kami ng tricycle dahil kung maglalakad kami ay baka hindi na namin maabutan ang marcha, at baka ma-haggard lang kami ni Mama kapag naglakad, sayang naman ang pag-aayos.


Mabilis lang ang biyahe, mas maaga sila Medea at Althea na pumunta dito sa school. Pumasok na kami at dumeretso sa gymnasium kung saan gaganapin ang moving up namin.


"Belle!" Tawag nina Medea nang makita ako. Nagpaalam muna ako kay Mama bago ako patakbong lumapit sa kanila at yumakap.


"Ahh! Ma-mi-miss ko kayo guys."


Kaagad akong hinampas sa braso ni Medea. "Parang aalis ka naman."


"Alam kong mahirap pero para sa asawa't anak ko," pambibiro ko kaya kaagad silang umirap sa akin.


"Yan ka na naman," saad naman ni Althea.


"Ang ganda mo, bessy!" Babaeng-babae siya ngayon dahil sa make up, hairdress at suot sa niyang dress. Hindi halatang nananapak siya.


"Kaya na-inlove si Louis e," pang-aasar ni Medea kaya nawala ang ngiti ni Althea. Nag-apir na lang kami ni Medea at sabay na tumawa.


"Good morning, ladies and gentlemen. Please proceed to the quadrangle for the marching ceremony. In a few minutes, we will start the program. Thank you!"


Pagkarinig nun ay kaagad akong inaya ng dalawa palabas. Tinawag ko na rin si Mama na ngayon ay kausap ang parents nina Medea at Althea. Sabay sabay na kaming lumabas at dahil magkakatabi lang ang apelyido namin ay magkakasunod-sunod kami sa pila. Nauna ako, sunod naman si Medea at panghuli si Althea. Nakahawak ako sa braso ni Mama habang hinihintay na magsimula ang programa.

Closer to YouWhere stories live. Discover now