Chapter 6 - Merry Christmas, Catelyn

6 1 0
                                    

MARAMI ang nangyari sa nakaraang araw, simula nang mangyari ang nangyari sa photo booth ay umiwas na talaga si Belle kay Larkin. Mas lalo lang kasi siyang masasaktan kung patuloy siyang magpapa-asa kay Larkin. Ginawa niya ang lahat para maiwasan ito, kapag nakakasalubong niya ito ay kaagad siyang lumiliko ng daan, kapag naabutan niya ito sa daan ay binabagalan na lang niya ang lakad para hindi ito masabayan. Lumipas ang araw na ganoon ang ginagawa ni Belle.


Napatingin siya sa kaniyang cellphone at napabuntong-hininga. Inutusan kasi siya ng kaniyang ina na sunduin ang Tita niya at mga pinsan sa Terminal. Marami ang tao ngayon dahil ilang araw na lang ay pasko na, marami ang nag-sisi-uwian at marami rin ang pumunta dito.


Nakatayo lamang sa gilid si Belle dahil puno na maging ang mga upuan, ilang oras na siyang nandoon at kanina pa siya nakakaramdam ng gutom.


Panibagong bus ang dumating, nang makita ang pamilyar na pigura ay kaagad siyang napaayos ng tayo. "Tita!" Tawag niya sa kaniyang Tiyahin nang makita itong bumaba sa bus.


Lumapit na siya dito. "Ysabelle!" Niyakap siya ng kaniyang Tita. "Kumusta, hija?" Tanong nito pagkatapos ng yakap.


Nakangiting sumagot si Belle. "Ayos lang po!" Napatingin siya sa dalawang kasama ng Tita Yuriana niya. "Sasha? Robin?"


"Ysa!" Niyakap siya ng babaeng pinsan. "Hoy, ang tangkad mo!" Puna nito nang mag-tip toe pa siya para yakapin si Belle. Tinawanan tuloy siya ni Belle.  Mas panganay ng isang taon si Belle sa kaniya.


"Ate Ysa!" Sumunod naman ang pinsang lalaki ni Belle na yumakap sa kaniya.


"Tara na po!" Yaya ni Belle at tinulungan silang magdala ng gamit, tumawag siya ng tricycle at sinabi ang address nila bago sumakay. Nasa loob silang tatlo habang si Robin naman ang nasa tabi ng driver. "Ilang oras po ang biyahe niyo?"


"Mahigit 4 na oras, ang sakit na nga ng pang-upo ko e." Reklamo ng Tita niya.


"Sa susunod po, kami naman ang bibisita sa inyo."


"Ay, aasahan ko yan, Ysabelle!" Napangiti na lang si Belle at nagtanong pa na magiliw namang sinagot ng kaniyang Tita at pinsan.


Nang makarating sila sa bahay nila Belle ay nandoon na nag-aabang ang Mama niya. Wala pa ito kanina dahil nasa trabaho pa, pero nag-haft day lang siya ngayon para sa kapatid niya.


"Cinthia!" Kaagad na sinugod ng yakap ni Yuriana ang kapatid nang makababa sa tricycle. "Ano ba naman, bakit ang payat mo na?"


"Marami lang ginagawa," pagdadahilan ni Cinthia. "Ito na ba sina Sasha at Robin? Ang lalaki na nila a." Nagmano ang dalawa sa kaniya.


Pumasok na sila at dumeretso sa kusina dahil alam ni Cinthia na gutom na ang mga bisita nila. Nagkwentuhan sila habang kumakain.


"Bukas ipasyal mo ang mga pinsan mo sa park," ani Cinthia kay Belle.


Closer to YouWhere stories live. Discover now