Chapter 8 - Date?

6 1 0
                                        

ILANG araw ang nakalipas matapos marinig ni Belle ang pag-amin ni Larkin. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pagkarating nga niya noong araw na iyon sa bahay nila ay napatili siya na ikinagulat ng Mama niya, akala niya kasi wala pa roon ang Mama niya. Ang daming palusot pa ang sinabi niya sa kaniyang ina.


Ngayon ay tulala siya dahil pa rin sa sinabi ni Larkin. Ipinilig niya ang ulo at tumayo na ikinagulat ni Medea na katabi niya.


"Bakit?"


"Kailangan ko ng distraction!" Mariing sabi niya bago lumabas ng classroom, lunch time pa lang at hindi sila bumaba ngayon para kumain. Nag-order lang sila ng pagkain sa labas na ngayon ay hinihintay ni Rogan sa labas ng gate.


"Kakain na tayo mamaya! Saan ka pa pupunta?" Pahabol na tanong ni Medea. Hindi na iyon nasagot ni Belle dahil nakalayo na ito.


"Kay Larkin," si Althea ang sumagot. Nagkatinginan pa sila at sabay na lumapit sa may bintana. Hinintay nilang makalabas si Belle sa building nila. "Ayon na siya.." Sinundan lang nila ng tingin si Belle. "Sabi sa'yo e," dagdag ni Althea at umupo na ulit. Napailing-iling naman si Medea bago bumalik sa upuan.


Dere-deretso lang si Belle, gusto niya ng destruction pero hindi niya alam kung ano. At saan nga ba siya pupunta?


Lakad siya ng lakad hanggang sa mapadpad siya sa harap ng gymnasium. Napakurap-kurap siya at napabuga nalang ng hangin. "Anong ginagawa mo dito, Belle?" Tanong niya sa sarili. "Baliw ka talaga!" Saad niya at tumalikod na. "Paanong distraction yung pupuntahan mo siya a?" Napasabunot siya sa buhok at nagmamadaling umalis.


"Ysabelle?" Nanigas siya sa kinatatayuan nang may tumawag sa kaniya. Pagkalingon niya ay nakita niya ang Vice President nila.


"Candace! Bakit?"


"Ah, I just want to ask kung saan ka pupunta?"


"Ako?" Napaturo pa si Belle sa sarili. "Ah, hindi ko rin alam. Hehehe!"


"Gusto ko sanang magpasama sa gym para humiram ng chairs para sa General Meeting mamaya."


Napatingin naman sa relo si Belle, may ilang oras pa naman bago ang ala-una.


"Sige, go ako. Hihiram lang di'ba? Hindi magbubuhat."


"Ah, well pati magbubuhat. Hindi kasi available ang ibang officers, buti nakita kita."


"Mukha ba akong lalaki para magbuhat ng upuan?" Bulong ni Belle.


"Huh?"


"Wala, sige go na ako!" Ngumiti kaagad si Candace at tinungo na nila ang daan patungong gym. Halos masambit na niya lahat ng pangalan ng santo kakadasal na sana wala doon si Larkin.

Closer to YouWhere stories live. Discover now