Chapter 11 - Her father

5 2 0
                                    

"Long time no see, Catelyn."


Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Belle habang nakatingin kay Larkin. Gusto niyang tumalikod, umalis at iwasan si Larkin pero ayaw makisama ng mga paa niya. Nang magkaroon siya ng sapat na lakas ay huminga siya ng malalim at pekeng ngumiti. "It's been awhile, Larkin."


Larkin smiled and was about to talk when someone called him. "Bro! Tara na!"


Lumingon siya sa tumawag. "Susunod na lang ako!" Sagot niya at nang muling humarap ay wala na si Belle doon. "Catelyn?" Nagpalinga-linga siya pero hindi na niya mahagilap ang taong matagal na niyang gustong makita. Bumaba ang mga balikat niya at pumunta na lang sa mga kasamahan niya.


"Sino yun, Larkin?" Tanong ng babaeng kasama nila.


"Someone close to my heart," simpleng sagot ni Larkin at nauna ng umupo.


Napa-oh na lang ang iba niyang kasamahan.


Napahinga naman ng maluwag si Belle nang makalayo kay Larkin.


"Ysa!" Nagulat pa siya nang tawagin ng pinsan.


"Bakit ngayon ka lang?"


"Sorry, ang tagal ng process sa registrar."


Tumango-tango na lang si Belle at inaya na ang pinsan sa ibang shop. Alam niyang gutom na ito kaya kakain muna sila bago mag-shopping. Mabilis lang silang kumain at nang matapos sila ay nag-shopping na rin sila. Pagkatapos nilang mag-shopping ay umuwi na rin sila, ngayong araw kasi maglilipat ng gamit si Belle sa apartment na tutuluyan nila malapit sa University na pinasukan nila. Kasama niya sa apartment si Sasha at nauna na siya doon.


Nauna siyang bumalik para mag-enroll, sumunod si Sasha sa kaniya nang maayos nito ang mga requirements na kailangan niya. Bukas ay papasok na sila sa Univ. Hindi alam ni Belle ang mararamdaman, kung kakabahan ba siya o ma-e-excite dahil first day of school. Alam niyang ibang-iba ang College sa High School, marami na siyang naririnig na kwento. Sa College raw, sobrang nakakapagod, maraming ginagawa, wala ng pahinga, at mahirap ang lahat ng subject.


"Nakuha mo na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mama nang makalabas ako ng kuwarto.


"Opo," napahinto saglit si Belle at humarap sa kaniyang ina. "Hindi niyo naman ako pinapalayas no?"


Kaagad natawa si Mama sa sinabi ko. "Ay! Kung papalayasin man kita, pati kama mo ilalabas ko na."


Napangiti na lang siya sa tinuran ng Mama niya. Lumapit siya sa kaniya at niyakap siya. "Ma-mi-miss po kita."


"Mas ma-mi-miss ko ang anak ko," aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakayap kay Belle. "Oh, siya! Tara na, baka magabihan pa ako pabalik dito."


"Tara na po!" Kinuha na niya ang huling bagahe bago lumabas ng bahay, dahil sa kakilala ng Mama niya ay mas napadali ang paglilipat niya ng gamit. May sasakyan kasi ang kaibigan ng Mama niya at nagbayad nalang sila ng driver dahil hindi naman marunong magmaneho si Cinthia.

Closer to YouWhere stories live. Discover now