Chapter 1 - Flashback

18 2 0
                                    

Paano ba nagsimula ang lahat?

Flashback...

It was Sunday, a very special day for Rogan because it's his Birthday. Ginanap iyon sa Rest house nila sa Bolinao, Pangasinan. Na-invite silang tatlo doon at hindi naman na sila tumanggi dahil siguradong magtatampo si Rogan.

"Gising na, andito na tayo!"

Nagulat si Belle dahil sa boses ni Althea. Ilang oras ang biyahe nila kaya nakatulog siya. Bumaba na siya kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa niya.

"Kaya pa today?" Niyugyog siya ni Medea kaya tuluyan na siyang nagising.

"Never again, ang layo pala ng lugar niyo." Aniya kay Rogan.


"Sobrang layo? Paano mo nalaman? Ang ganda nga ng tulog mo e." Tugon ni Rogan at sabay silang natawa ni Medea.

Kinuha na lang ni Belle ang mga gamit niya at sumunod na sa tatlo.

"You can put your things there, kain muna tayo." Ani Tita Brita, Rogan's mother. Sumunod naman silang lahat.

Inilibot ni Belle ang paningin niya, na-amaze siya sa laki at ganda ng rest house nila Rogan. Hindi niya akalaing ganun kayaman ang kaibigan nila.

"Yaman mo naman, bes." Komento niya nang lumapit si Rogan sa kaniya.

"Sa Lolo't Lola namin ito, it's a family house." Bakit kaya sila lumipat ng lugar? Maganda naman dito, malapit sa beach at sobrang peaceful. Tanong ni Belle sa isip niya.

Niyaya na silang kumain kaya pumunta na sila sa hapag-kainan. Silang anim pa lang naman ang nasa rest house dahil mamaya pa darating ang ibang kamag-anak nina Rogan.

Pagkatapos kumain ay lumabas si Belle para pumunta sa dalampasigan, nagpaalam naman siya bago pumunta doon. Dala ang cellphone niya ay tinungo na niya ang sadya. Kinuhanan niya kaagad ng litrato ang view. Hindi na gaanong mainit dahil papalubog na rin ang araw. Umupo siya sa buhanginan at hinintay na bumaba ang araw. Itinaas niya ang cellphone at patuloy na kinuhanan ng litrato ang sunset, maging ang rest house ay kinuhanan niya. Ibinalik niya ang tingin sa sunset at kaagad niyang napansin ang isang lalaki sa 'di kalayuan. Nakasuot ito ng headphone at nakatitig sa sunset. Hindi namalayan ni Belle na nakuhanan niya rin ng litrato ang lalaki. Nang lumingon ito ay kaagad siyang umiwas. Sinuri niya ang picture at napanganga, ang ganda ng pagkakakuha niya.

"Belle!" Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya. Kumakaway si Althea mula sa rest house.

Muli niyang tinignan ang sunset bago naglakad papunta sa rest house.

"Bakit?" Tanong niya nang makalapit.

"Anong bakit? Balak mo bang matulog dun?" Tanong ni Medea na kararating lang.

"Ang aga pa naman, Medeng." Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Medea.

"Huwag mo akong ma-Medeng-Medeng, Ysabelle a."

"Scary..." pang-aasar pa ni Belle sa kaibigan bago lumayo, baka kasi masakal siya.

"Tita, Tito, mga kaibigan po namin. Si Ysabelle at Althea." Pagpapakilala ni Rogan sa dalawa sa Tito't Tita niya.

"Hello, mga hija!"

"Hello po!" Sabay na sagot ng dalawa.

"Wait, where's Keon?" Ani Tito ni Rogan.

Closer to YouWhere stories live. Discover now