Chapter 9 - Larkin's Birthday

8 2 0
                                    

LUMIPAS ang araw na walang komunikasyon si Belle at Larkin. Naging busy na rin siya dahil sa dami ng gawain sa paaralan. Malapit na rin kasi ang Moving up nila. Mag-gr-grade 12 na siya at gra-graduate naman na si Larkin.


"What if, panaginip ko lang pala ang lahat? What if, hindi totoong gusto na ako ni Larkin? What if, guni-guni ko lang na nag-uusap na kami? What if, prank lang nung nag-date kami?"


Napabuntong-hininga si Medea nang marinig ang mga what if's ni Belle. Umiling-iling naman si Althea. "Ano ka ba! Huwag ka ngang praning diyan! Malay mo may pinagkakaabalahan lang siya."


"Babae," pang-iinis pa ni Rogan na kasama nila ngayon dahil may inabot lang kay Medea pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis. Siniko kaagad siya ni Medea nang marinig ang sinabi niya. "Kakatapos lang ng laro nila sa Division, baka nagpapahinga yun." Pambabawi ni Rogan baka kasi biglang umiyak si Belle, malalagot na naman siya.


"Tama! Kaya huwag ka ng what if ng what if diyan." Nagpahalumbaba si Belle sa kaniyang upuan. Naalala niya ang mga sinabi ni Larkin. Huminga na lang siya ng malalim at inalis na ang mga negatibong iniisip.


Tahimik lang si Belle kahit ng sumapit ang lunch. Kahit panay ang daldal ng dalawa niyang kasama ay hindi siya nahawa. Kumain lang siya ng kumain hanggang sa makadalawang balik siya sa counter.


Hindi naman siguro ako pinagtritripan ni Larkin no?...


Sorry kung natagalan ako but don't worry hindi na ulit ako mawawala. Mananatili ako sa tabi mo kahit kailan mo gusto..


"Tsk, nawala ka nga ng parang bula e."


"Huh?"


Nagulat si Belle, nasabi niya pala ang dapat ay sa isip lang niya.


"Ah! Wala wala. Hehe!"


ISANG linggo ang nakalipas, bumalik na rin sa normal si Belle. Kasama niya ngayon ang mga ka-group niya sa isang assignment.


"Sino ang mag-iinterview?" Tanong ni Sammy na isa sa mga kasama niya. Ngayon lang nangyari na nagkahiwalay silang tatlo. Hindi rin magkasama sa iisang group si Medea at Althea.


"Bato-bato pik na lang para fair," ani Belle. "Maiba, alis!" Lima silang magkakasama, dalawa agad ang natanggal. "Maiba, taya!" Aniya at kaagad nawala ang saya niya nang siya ang maiba.


"Oh!" Turo ni Sammy kay Belle. "Suggestion mo yan a."


Nanlulumong umupo na lang si Belle. "Sana hindi ko na lang isi-nuggest yun..." Kailangan nilang mag-interview para sa subject nilang Empowerment Technology. Ngayong araw nila iyon gagawin dahil wala namang silang pasok. Naghanap na rin sila ng maiinterview.


Si Sammy ang taga-video, ang iba naman ay script writer at director. Si Belle na talaga ang mag-iinterview since siya ang nanalo kanina.

Closer to YouWhere stories live. Discover now