Sienna's Point of View
TW: Mental Health Issues
[In this Chapter we will know what Clauden is suffering to.]
Pitong taon na ang nakalipas simula nang mamatay si Clauden, pero hanggang ngayon hindi pa rin namin nagagalaw ang kanyang gamit, nanatiling nasa kwarto niya pa ang mga gamit niya
“Mommy, pwede ko ba linisin ang kwarto ni Clauden? sigurado akong sobrang ma alikabok na non” pagpapaalam ko kay mommy
“Okay, wala ka naman sigurong gagawin” sagot ni mommy habang siya ay nagbabasa ng magazine.
Kinuha ko ang susi ng kanyang kwarto malapit sa may box tapos dinala ko ito sa taas kung nasaan ang kwarto niya. Kaagad ko naman itong binuksan, pag bukas ko pa lang ay napaubo ako sa sobrang alikabok. Parang naging bodega na lang ito
Lumabas muna ako sa saglit at bumaba, pumunta ako sa banyo at kumuha ng timba at mop saka pamunas na rin. Dinala ko ito sa kwarto niya, nagsuot na rin ako ng mask para hindi ko masinghap lahat ng alikabok sa loob.
Hindi na ako nagdalawang isip na tanggalin ang kurtina niya, luma na rin kasi. Pagkatapos ay binasa ko ng tubig ang pamunas at pinunasan ang kanyang bintana.
“Mas maganda kung mapipinturahan ulit” sabi ko habang nakatingin sa pader.
Pagkatapos malinis ng kanyang bintana ay agad kong tinanggal ang unan, kumot at ang kanyang bed sheet, isinama ko na sa kurtina niya. Mop na lang ang ginamit ko pampatanggal ng alikabok sa kama niya
Nakita ko ang mga picture frame sa table, napangiti ako ng makita ko ito. It's a family photo, it's just my mom and my dad tapos siya, the picture frames was just them at wala ako, halatang halata talaga na ayaw niya sa'kin, noon pa kahit magkasundo kami ng mga bata pa kami. She never had a picture with Sean too, hindi ko alam kung bakit
“Siguro naman matutuwa kana sakin dahil naglinis ako sa kwarto mo kahit na ayaw mong may ibang pumapasok dito sa loob” sabi ko pa
Pagkatapos kong malinis ang kanyang kama ay doon naman ako sa closet niya, tinanggal ko na lahat ng damit na meron siya roon at nilapag 'yon sa kama. Tubig saka pamunas lang ang ginamit ko para maging mukhang bago ulit siya
“Ngayon ko lang na realized ang ganda ng closet mo ah. Paborito ka talaga” I think my parents brought this for her in her 22nd birthday tapos ako wala
Pagkatapos malinis ng kanyang closet ay ang Kabinet niya naman, walang masyadong laman maliban sa mga fashion croquis niya at 'yong mga pang sketch niya. Kaya lang may nag agaw pansin sa'kin, may isang box na itim
Pumasok ako rito noon pero hindi ko man lang napansin ang box na 'yan. Pasensya kana Clauden, pakialamera ako, na curious ako kung ano ito.
Pagbukas ko may kung ano anong klaseng gamot, tapos mag mga resita rin akong nakikita, nang tingnan ko ito hindi familiar sa'kin ang mga pangalan ng gamot. Pero pamilyar sakin ang doktor niya, she's Jennie Ayala, she's a psychiatrist. So she's seeing a psychiatrist before she died? What she's been suffering to? I wanna know
Matagal na ba siyang nag maintenance ng mga ibat ibang gamot? May isang malapad din akong papel na kinuha na nakatupi, I think it's a medical certification.
Binalik ko ang mga resita sa box at pati na rin ang mga gamot niya. I don't wanna jump into conclusions
Tinapos ko muna ang aking paglinis sa loob ng kanyang kwarto. I even organize her things, pinalitan ko ng kurtina, bed sheet, unan, at kumot. Ngayon ay nagmumukha na itong bagong kwarto.
Nagpahinga lang ako saglit at pagkatapos ay pupunta ako sa clinic ni Ms. Jennie Ayala. Malapit lang din naman ang kanyang clinic kaya madali lang akong nakarating.
Kumatok ako ng isang beses sa pintuan at agad akong pumasok. Pagpasok ko pa lang ay tila siya ay napatayo at malapad ang ngiti sa'kin
“You must be Sienna?” sinalubong niya ako ng yakap
“Yes, it's me” sagot ko
Nang bumitaw siya sa yakap sa'kin ay bumalik siya sa upuan niya
“Have a seat” sabi niya “Do you have any concerns?” tanong niya
“Uhm, actually. I would likely to ask about my sister. Kanina kasi may nakita ako sa kwarto niya may nakita akong resita ng mga gamot” pagsisimula ko
“Oh, yeah. She always comes to me before regarding the medicine she will take, every month nga siya pumunta sa'kin. Your sister had an anxiety disorder”
Parang na antig ang tenga ko nang marinig ko 'yon mula sa Psychiatrist. How could she keep it from us? She's suffering alone. No one check on her if she's okay
“As far as I remember, she's around 23 when she started seeing me in this clinic until she turned 26. She also talk to psychologist na pero lumala kaya pumunta na siya sa'kin that's why I told her to drink medicine. Kaya naging okay siya ng konti”
Kaya pala paiba iba ang ugali niya, naging okay nga siya pero mas lalong na triggered siya dahil kay Felli.
“So she's been drinking her meds for 3 years?” tanong ko
“Exactly”
I felt bad for her, sana man lang natulongan ko siya ng mga panahon na 'yon
“I was sad when I heard the news that she died, I thought she took her own life but it makes more sadder to hear that she's been murder by a friend”
“To be honest, she even told me na ayaw niyang umabot sa point na tumira siya ng mental hospital as much as possible she wants to be okay kahit nahihirapan siya minsan sa sarili niya”
Ang hirap talaga kapag sarili mo na ang kalaban mo.
Parang na guilty tuloy ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya noon. Alam kong masakit na salita 'yong nasabi ko sa kanya
“Nagsisimula 'yan sa Depression kaya hindi dapat ginagawang biro, as much possible if you are depressed or suffering anxiety, you can visit a psychologist at kapag hindi na kaya, visit a psychiatrist. The hardest battle in our life is not a person or people, its ourselves. It's the demon inside us”
Napatango naman ako sa sinabi ng Psychiatrist
Parang nanghina ang tuhod ko, sobrang manhid ko na ba talaga para hindi malaman na nag su-suffer din siya? bakit hindi ko man lang napansin na may ganon pa lang siyang karamdaman
“Thank you so much, Doc. Kung hindi ako pumunta rito, baka hindi ko alam na may ganon pa lang siyang karamdaman”
“Please do remember, na hindi lahat ng nakikita nating masaya ay totoong masaya talaga”
Napatango ako sa sinabi niya. Lahat ng sinabi ay tama
Hanggat maaga pa ay minsan kailangan din nating i-check ang ating mahal sa buhay kung sila ba ay okay o hindi, malaking bagay na 'yon sa kanila
BINABASA MO ANG
His Sweet Retaliation [Under Revision]
RomanceSienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of her twin sister. But with the protection of her parents she avoids conviction for there is no solid evidences. However, the wealthy business man...